top of page
Search
BULGAR

Mahaba pa sa pang-Olympics na pool...Mga tren galing Korea para sa MRT-7, darating na

ni Lolet Abania | September 2, 2021



Nakatakdang dumating sa bansa ang unang batch ng mga bagong tren para sa Metro Rail Transit Line 7 project mula sa South Korea sa susunod na linggo.


Sa isang statement, inianunsiyo ng San Miguel Corp. (SMC) na ang mga tren na binubuo ng anim na cars o dalawang trainsets na kinuha mula sa Hyundai ROTEM ng South Korea ay cleared na sa mga inspections at factory acceptance testing, kabilang dito ang national rail manufacturer ng bansa, ang Korea Railroad Corporation (KORAIL), kung saan nagsisilbi bilang adviser ng SMC.


Bawat trainset ay may 65.45 meters ang haba o higit pa sa haba ng isang Olympic-size na swimming pool na 50 metro.


“The timely arrival of these brand new, high-quality trains from South Korea - known as one of the world’s best train and rail systems builders -- is such a welcome development, and I believe holds a lot of significance,” ani SMC president Ramon Ang.


“At a time when many are feeling uncertain about our country’s future because of the pandemic, this shows that the job of nation-building, continues; that the work of improving our infrastructure, boosting our economic growth prospects, and investing in our country’s brighter future, also doesn’t stop —especially for us in San Miguel,” dagdag ni Ang.


Ayon pa kay Ang, marami pang mga tren ang nakatakda namang dumating sa bansa sa mga susunod na buwan at sunod na taon, hanggang sa lahat ng 108 cars o 36 trainsets na kinukuha ng kumpanya ay kanilang mai-deliver.

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page