top of page
Search
BULGAR

Magulang ng mga batang susuway sa safety protocols, mananagot — Eleazar

ni Jasmin Joy Evangelista | October 23, 2021



Nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa mga magulang na isinasama ang anak sa mga pampublikong lugar dahil hindi pa ito pinapayagan sa alert level 3 sa NCR.


“Nilinaw na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panuntunan sa paglabas ng mga kabataan. Maaari lamang silang lumabas kung sila ay magpapagamot o kaya mag-eehersisyo. Dapat din ay kasama nila ang kanilang magulang tuwing lalabas,” pahayag ni Eleazar.


Maaari umanong managot ang mga magulang ng mga bata sakaling sumuway ang mga ito sa health and safety protocol na ipinatutupad ng gobyerno.


“Maaaring kayo ang managot kung maabutan sila ng ating kapulisan na pakalat-kalat sa lansangan o kaya’y nasa galaan,” ani Eleazar.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page