top of page
Search
BULGAR

Magtipid sa tubig, ang mga panghugas, i-recycle na!

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | April 5, 2023



May krisis tayo ngayon sa tubig. Sabi ng PAGASA, inaasahan pa ang El Niño at siguradong malaking perwisyo ang tagtuyot na ito. Magiging epekto rin ng sobrang init ng panahon ang mga pag-ulan, juskoday!

Take note sa mga kustomer ng Maynilad sa National Capital Region (NCR) at Cavite ha, 19 hours ang water interruption kaya mayroon na ring mga pagrarasyon ng tubig na mangyayari.

Sa gitna niyan, IMEEsolusyon natin ang pagtitipid ng tubig. Huwag mag-aksaya, lalo na kapag naglalaba, abah, eh ‘yung tubig na pinagbanlawan natin, ‘yan na rin ang gamitin na pandilig.

IMEEsolusyon din na i-recycle natin ang tubig na panghugas ng pinggan. Ilagay natin ang huling pambanlaw sa timba at puwedeng ito rin ang gamitin sa panlinis ng iba pang gamit sa bahay o kaya iimbak natin ito sa mga drum o anumang lagayan ng tubig.

Kapag naghuhugas tayo ng kahit ano’ng bagay, ‘wag nating hayaan na nakabukas ang gripo, gumamit tayo ng kahit anong container na paglalagyan natin ng tubig at patayin ang gripo.

IMEEsolusyon na ang huling banlaw natin ng tubig sa paglalaba at paghuhugas ng pinggan ay puwede rin nating gamitin na panlinis sa banyo at pambuhos sa mga walang flush na toilet.

IMEEsolusyon sa may gripong may leak ng tubig na agad na itong takpan ng sealant para tipid na sa tubig, iwas pa sa malaking water bill.

Ang maliit na bagay na pagtitipid at hindi natin pag-aaksaya ng tubig kapag marami ang gumawa, tiyak na makakatulong ng malaki sa ating bansa sa kinakaharap nating water shortage.


Agree?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page