ni Madel Moratillo @News | July 27, 2023
Tumaas ang presyo ng ilang school supplies, isang buwan bago magbukas ang klase.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, nasa piso hanggang onse pesos ang itinaas ng presyo ng ilang school supplies. Dahil na rin ito sa pagtaas ng halaga ng raw materials.
Kaya para makatipid, payo ng DTI sa mga magulang, bumili ng bundle at ang mga gamit na pwede pa naman ay gamitin ulit.
Kahapon, binisita ng opisyal ang ilang establishments sa Marikina para matiyak na sumusunod sila sa suggested retail prices para sa school supplies.
Sa bagong SRP ng DTI, ang mga 80 leaves na composition notebook ay pwedeng ibenta mula P23 hanggang P52, depende sa brand.
Sa ballpen naman, P9.25 hanggang P19 habang para sa lapis ay P11 hanggang P17.
Commentaires