ni GA - @Sports | May 2, 2022
Pormal nang itataya ni newly-crowned WBC featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo ang kanyang titulo sa unang pagkakataon kontra kay undefeated Mexican boxer at dating WBC super-bantamweight titlist Rey Vargas sa Hulyo 9 sa Alamodome, San Antonio, Texas.
Tatangkain ng 26-anyos mula Tagbilaran Bohol na maipagtanggol ang titulo matapos talunin ang dating kampeon na si Gary Russel, Jr. nu'ng Enero 22 sa Borgata, Atlantic City, New Jersey. Nagsimula nang sumabak sa pagsasanay si Magsayo sa ilalim ng gabay ni legendary Hall of Famer trainer Coach Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California sapul nang magbalik mula sa bakasyon sa Pilipinas noong isang buwan, kung saan tumagal ng dalawang taong pamamalagi ito sa U.S.
“The championship showdown between WBC Featherweight World Champion Mark “Magnifico” Magsayo and unbeaten former world champion Rey Vargas which headlines action live on SHOWTIME Saturday, July 9 from the Alamodome in San Antonio, Texas in a Premier Boxing Champions event. Tickets for the live event, which is promoted by TGB Promotions, go on sale Wednesday, April 27 at 12 p.m. CT and are available through Ticketmaster.com,” ayon sa inilabas na release ng Showtime Boxing.
Hindi lingid sa kaisipan ng kampo ni Magsayo (24-0, 16KOs) na sunod nilang kakaharapin ang Mexican warrior dahil naudlot lamang ang paghaharap nina Russel (31-2, 18KOs) at Vargas (35-0, 22KOs) matapos magtamo ng broken leg ang 31-anyos na Mexican boxer na nagbigay-daan para lumaban ang Filipinong kampeon.
コメント