top of page
Search
BULGAR

Magsayo pinameme si Avelar sa 3rd rd KO ng Jr. Lightweight

ni GA @Sports | December 11, 2023


Photo : Screengrab from Mark Magsayo


Pinatulog ni dating World Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo ang Mexican boxer na si Isaac “Canelito” Avelar sa bisa ng 3rd-round knockout kasunod ng matinding banat sa mukha na nagpalagpak sa gilid ng ring tungo sa impresibong pagbabalik sa laban sa junior-lightweight division, kahapon ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Thunder Studios, Long Beach, California sa Amerika.

 

Bumitaw ng solidong kaliwang hook sa panga si Magsayo upang kumalabog ang buong katawan halos palabas ng boxing ring na nagresulta para buhatin ng stretcher palabas, kung saan kinailangang lagyan ng neck brace si Avelar.  

 

Nagtapos ang laban sa 1:13 ng third round ng tuluyang ipatigil ni referee Ivan Guillermo ang laban upang ihandog sa 28-anyos mula Tagbilaran City, Bohol ang kanyang ika-25th panalo mula sa 17 knockouts kasama ang dalawang pagkatalo na nalasap kina American Brandon “The Heartbreaker” Figueroa (24-1-1, 18 KOs) para sa WBC interim 126-lb belt noong Marso 4 sa Toyota Arena sa Ontario, California sa U.S.  sa unanimous decision at kay dating WBC titlist Rey Vargas (36-1, 22KOs) ng Mexico noong Hulyo 9, 2022 na nagresulta naman sa split decision.

 

Sa kanyang social media post ay nag-alay si Magsayo ng kanyang panalangin sa kaligtasan ng 26-anyos na tubong Aguascalientes, Mexico matapos ang laban. I am praying for the safety of my opponent Isaac Avelar. In the end, we are boxers and outside the ring we are brothers,” saad ni Magsayo sa kanyang Instagram Story. “We are fighting for our families and our countries. I hope Isaac is okay.”

 

Sa simula pa lang ng bakbakan ay naging agresibo sa kanyang mga atake si Magsayo na nagdala kay Avelar upang dumepensa na lamang. Nagdulot ito ng malulutong na koneksyon sa mukha at katawan ng Mexican boxer.       

 

0 comments

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page