top of page
Search
BULGAR

Magre-review sa SHS program, ready na — DepEd

ni BRT | May 15, 2023




Nag-organisa ang Department of Education (DepEd) ng national task force na magre-review sa pagpapatupad ng senior high school (SHS) program.


Sa memorandum na nilagdaan ni DepEd Undersecretary Gina Gonong, nilikha ang task force upang tugunan ang mga umuusbong na hamon sa pagpapatupad ng SHS program sa DepEd at non-DepEd schools.


Ang task force ay magsusumite ng reports ng mga accomplishments at output nito kay Vice President at Education Sec. Sara Duterte, sa pamamagitan ng undersecretaries ng Curriculum at Teaching and Operation Strands, bago ang Mayo 12, 2024.


Kabilang sa mga responsibilidad ng task force ay repasuhin ang mga kasalukuyang patakaran ng programa upang matiyak ang consistency, responsiveness, at relevance sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholder; at palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor at iba’t ibang industriya sa pambansa at rehiyonal na antas upang mapabuti ang SHS employability.


Bubuo rin ng mga patakaran at plano batay sa mga resulta ng pagsusuri sa program implementasyon at sa pag-asam ng mga pangangailangan nito sa hinaharap; at makipag-ugnayan sa mga kaugnay na tanggapan tulad ng mga state universities at colleges, at mga pampubliko at pribadong paaralan, upang bumuo ng database ng SHS na kinabibilangan ng mga patakaran, program offerings, at private school data.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page