ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 23, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_a2193afee9b34f119d30c491761f7f4c~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_a2193afee9b34f119d30c491761f7f4c~mv2.jpg)
Photo: Netflix / FB
Turning forty (40) na sa 2024 si Alessandra De Rossi at feeling old na raw siya kaya naiisip na niyang mag-retire na sa showbiz.
Pero, may mga roles pa siyang gustong gampanan na hindi pa niya nabibigyan ng katuparan.
Sa dami ng pelikulang kanyang nagawa, na ang latest ay ang Firefly na isa sa mga entries sa MMFF 2023, may dream role pa rin siya na ewan kung mapagbibigyan ng mga producers.
Hindi kasi ma-imagine ni Alessandra na gaganap siya sa role bilang isang sirena o kaya 'yung may nudity.
So, ambisyon din pala ni Alessandra na magpakita ng katawan sa big screen?!
Hindi kaya siya laitin ng mga bashers?
Para sa amin, mas bumabagay si Alessandra sa role bilang isang mahirap na inaapi-api at kinakawawa, pero lumalaban at may paninindigan at integridad. 'Yung tulad ng mga roles na ginagampanan ni Nora Aunor, du'n mas babagay ang personalidad ni Alex.
Okey din naman kay Alessandra ang gumanap ng mother role tulad sa Firefly kahit na sa totoong buhay ay dalagang-dalaga siya.
Sanay mamuhay mag-isa si Alessandra at wala siyang kasambahay. Nae-enjoy niya ang pag-iisa kaya hindi na niya naisip pa ang magkaroon ng love life.
Comments