top of page
Search
BULGAR

Magpapalakas pa sa turismo… 100% vaccination rate sa Boracay, inaasahan sa katapusan ng Nobyembre

ni Jasmin Joy Evangelista | November 11, 2021



Naniniwala ang Malay Tourism Office na lalo pang tataas ang tourist arrivals sa Isla ng Boracay sa katapusan ng Nobyembre sa sandaling mabakunahan na kontra-COVID-19 ang 100% ng mga residente at tourism workers dito.


Ayon kay Chief Tourism Operations Officer Felix delos Santos, umaabot na sa 92.2% ng tourism workers ang nabakunahan sa isla, habang 94.59% sa eligible population.


Matatandaang sinabi ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang posibilidad na alisin na ang negatibong RT-PCR test requirement para sa fully vaccinated tourists mula sa labas ng Isla ng Panay at Guimaras basta makapagpakita ng kanilang vaccination certificate.


Naghahanda na rin umano ang pamahalaan at Department of Tourism sa pagtanggap ng mga dayuhang turista.


Sa kasalukuyan ay umabot na sa 292 ang mga accommodation establishments na nagbukas sa Boracay na may Certificate of Authority to Operate (CAO) mula sa Department of Tourism (DoT).

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page