top of page
Search

Magno at Delos Santos sa TOPS; Donaire, target ang 5th title

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | October 29, 2020




Pangungunahan ni Tokyo Olympics campaigner at boxing champion Irish Magno ang pagsasalita sa isa pang star-studded edition ng "Usapang Sports on Air" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayong Oct. 29.


Si Magno, na naging ika-2 Pinay boxer na nakapasok sa Tokyo Olympics kasunod ni Eumir Marcial at fourth overall sa likod ni gymnast Carlos Yulo at pole vaulter EJ Obiena ay magkukuwento hinggil sa tsansa nila sa coronavirus-delayed Olympics. Makakasama ni Magno sa 10 a.m. public service program sina James de los Santos, ang World's No. 1 sa Kata Karateka at protege na si Fatima Hamsain; Kristopher Inting, pangulo ng United Kendo Federation of the Philippines.


Samantala, nais puntiryahin ni dating four-division World champion “Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang kanyang ika-5th world title sa oras na matapos ang misyon nito sa kanyang susunod na laban kay WBC bantamweight champion Nordine Oubaali ng France sa Disyembre 12 sa Mohegan Sun Casino, Uncasville, Connecticut sa U.S.


Kahit pa man nalalapit na ang panahon ng pagsampay ng gloves nito na tutungtong sa edad na 38 sa susunod na buwan, determinado ang Talibon, Bohol-native na maidagdag sa kanyang flyweight, bantamweight, junior featherweight at featherweight titles ang isa pang titulo sa kanyang baywang.


Minsan ng nakakuha ng interim WBA super-flyweight title si Donaire (40-6, 26 KOs) ng mapagwagian niya ito kay Rafael Concepcion ng Panama at maipagtanggol ng dalawang beses kina Manuel Vargas at Herman Marquez sa magkasunod na knockout victory noong 2010; ngunit dahil sa pag-iwas ng mga katunggali sa 115-pounds ay nagdesisyon itong umakyat sa bantamweight ranks.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page