top of page
Search
BULGAR

Magkasunod na lindol... Occidental Mindoro, niyanig ng 5.6 at 4.6 magnitude

ni Lolet Abania | October 3, 2021



Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong Linggo nang madaling-araw, ayon sa Phivolcs.


Sa tala ng Phivolcs, alas-5:59 ng madaling-araw nai-record ang pagyanig na nasa layong 10 kilometers northwest ng bayan ng Sablayan.


Ang lindol ay tectonic in origin na may lalim na 10 kilometers.


Naitala naman ang instrumental intensities ng lindol na Intensity III sa San Jose, Occidental Mindoro, Intensity II sa Batangas City, Intensity I sa Mulanay at Mauban, Quezon; Tagaytay City.


Inaasahan naman ng Phivolcs, ang mga aftershocks matapos ang lindol.


Ayon sa disaster response officer na si Arcris Canillo, sa Barangay San Agustin sa Sablayan, ang pader ng isang bahay ay gumuho dahil sa lindol.


Nai-record naman ang sumunod na lindol ng magnitude 4.6 ng alas-7:33 ng umaga ngayon ding Linggo, na nasa layong 7 kilometer southeast sa bayan pa rin ng Sablayan.


Nasa lalim na 13 kilometer at ito ay tectonic in origin. Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang “moderately strong” tremor o Intensity IV sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page