ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Oct. 23, 2024
Dear Maestro,
Matagal na akong sumusubaybay sa mga artikulo n’yo. Kaya naman naisipan ko nang sumangguni sa inyo. May ilang katanungan lang ako tungkol sa aking kapalaran, lalo na pagdating sa pag-ibig.
Maestro, panghabambuhay na ba ang relasyon namin ng boyfriend ko? Ang birthday ko ay September 29, 1996, habang October 4, 1995 naman ang birthday niya.
Umaasa,
Kikay ng San Isidro, Lubao, Pampanga
Dear Kikay,
Compatible kayo ng kasalukuyan mong boyfriend, dahil kapwa kayo under sa zodiac sign na Libra. Kung saan, ang birthday mong September 29, 1996, habang October 4, 1995 naman ang boyfriend mo ay sadyang tugma at compatible sa isa’t isa, sapagkat pareho kayong nagtataglay ng elementong air o hangin.
Kaya sa pag-aanalisang Western Astrology, suwetung-suweto at saktung-sakto ang inyong pagsasama. Kaya naman, maitatala bilang isang maligaya at panghabambuhay ang inyong relasyon.
Dagdag pa sa Numerology, ang birth date mong 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ay nagtataglay ng planetang Moon-Neptune na naiimpluwensiyahan din ng elementong tubig, habang itong numerong 2 naman ang siyang destiny number ng boyfriend mo. Nangyaring ganu’n, dahil ang October 4, 1995 ay kinokompyut ng ganito: 10+4+1995= 2009/ 20+09=11/ 1+1=2) at ang birth date mong 2 at destiny number ng boyfriend mo na 2, ay nagsasabing sobrang tugma at compatible talaga kayo para sa isa’t isa.
Kaya ayon sa Decadens ng Kapalaran na pinaigting pa ng inyong Love Calendar, sa susunod na taong 2025, sa edad mong 29, habang 30 naman ang boyfriend mo, kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Comments