top of page
Search
  • BULGAR

Magkasintahan, arestado sa nakaw na sasakyan

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 18, 2020



Inaresto ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang magkasintahang nagnakaw umano ng sasakyan ng kanilang business partner noong Sabado sa magkahiwalay na operasyon.


Kinilala ng Region 4A PNP-HPG ang mga suspek na sina Frank Ganabe at Seiza Armada. Si Ganabe ay naaresto ng awtoridad sa Santa Rosa, Laguna habang si Armada naman ay sa General Trias, Cavite.


Ayon sa PNP-HPG, ang sasakyan ng magkasintahan ay nakapangalan sa kanilang business partner na ninakaw umano ng dalawa.


Saad ni Police Captain Charlie Reyes, “Nag-conduct kami ng operation and then it so happens na nakita namin sila sa Santa Rosa. Nakuha namin ‘yung sasakyan na subject ng complaint sa Las Piñas.”


Itinanggi naman ng mga suspek na ninakaw nila ang sasakyan dahil mayroon umano silang verbal agreement na ang kanilang suweldo ay mapupunta bilang pambayad sa kanilang business partner.


Saad ni Ganabe, “Hindi lang namin nakuha ‘yung mga warrant or ‘yung mga subpoena due to our negligence kasi naglipat po kami ng bahay kasi natakot po kami doon sa complainant. “Kung ano po ‘yung buwan na hindi namin tinanggap ‘yung suweldo namin, nag-assume po kami na ‘yun po ‘yung ibinayad namin.”

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP-HPG 4A ang mga suspek.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page