top of page
Search
BULGAR

Magkasama sa Japan… JANINE AT ECHO, 'BUBBA' ANG TAWAGAN, BUKING NA MAGDYOWA NA

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 3, 2024



Photo: Janine Guetierrez at Jericho Rosales - IG


"Action speaks louder than words" ang galawan nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez. 

Magkasama ang dalawa sa mga bida ng Lavender Fields (LF) na nagpunta sa Japan recently. Mapapanood ang naganap sa trip sa Japan nina Jericho at Janine sa YouTube (YT) channel ng eldest child nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.


Pinamagatan ni Janine ang kanyang vlog na, “What We Ate In Japan,” kasama si Echo.


Sa caption ay ito ang inilagay ni Janine, “I’m baaaaack! And (by popular demand) I have a special guest. Hehehe! Here’s a short and sweet vlog about what we ate during my last trip to Japan for the Tokyo International Film Festival (TIFF). Hope you enjoy more candid and chill videos like this!”


Ishinare ni Janine ang mga kinain nila ni Echo sa Tokyo, Japan.


Sa video ay mapapansin ang pagiging komportable at sobrang ka-sweet-an ng dalawa. And take note, tinawag ni Echo ng “Bubba” si Janine sa video, ha?


‘Di ba ang “Bubba” ay term of endearment ng mga magdyowa?


So, magdyowa na talaga sina Janine at Echo.


‘Yan din ang reaksiyon ng mga netizens sa tawag ni Echo kay Janine na “Bubba”.

Sey ng mga netizens:


“Confirmed na talaga sila, dasal namin na sana, magtagal ang relasyon ninyo at mauwi sa kasalan.”


“Bubba (with red heart emoji).”


“‘Yan si Echo, loud and proud ‘pag mahal ang girl, ‘di ide-DENY.”


‘Yun na!


 

Gunulantang ng Magic Voyz ang audience sa kanilang latest show sa Viva Café last Friday.


Opening number pa lang ay may pasilip na sila ng kanilang white underwear, but it was done naman in good taste. 


And then, nagpamalas ng kanilang angas sa pagkanta at pagsasayaw ang Magic Voyz with a live band. Habang sila’y nagpe-perform, isa-isa namang ipinapakita sa big screen ang kanilang mga mukha at pangalan. 


Meron ding short video ang mga members kung saan ikinukuwento nila ang kanilang background, kaya mas nakilala sila nang personal ng audience. 


Ayon pa sa grupo, pinag-iisipan daw nila ang bawat segment ng kanilang show. Pero concept din daw ng kanilang manager na si Lito de Guzman ang pagkakaroon ng banda para live silang kakanta sa show.


“Every concert po, pa-upgrade nang pa-upgrade kami,” say ni Johan Shane.

Like now, may dalawa na agad silang kanta, ang 'Wag Mo Akong Titigan at Bintana.


Nakatakda ring ilunsad ang pangatlo nilang kanta titled Tampo.

Wish din daw nilang makapag-perform sa malaking venue tulad ng Araneta Coliseum.

Tsika ni Jace Ramos, “Balita ko, next na ang Araneta. Nangangarap lang po. Libre naman po ang mangarap.”


Ibinida naman nila na naghahanda na sila sa pagsabak sa mas malaking entablado sa Music Museum sa susunod na taon.


Mas matindi rin daw ang magiging pasabog nila sa nasabing show kung sakali.


“Siguro, mas hot and intense,” proud na sabi ni Jhon Mark Marcia.


May nagsasabi na ang Magic Voyz na ang bagong Masculados na isang all-male group na nakilala nu’ng dekada ‘90.


“Idol po namin ang Masculados pero gusto po naming makilala sa sarili naming identity,” banggit ni Mhack Morales.


Open din daw silang mag-perform sa provincial tours at maging sa political sorties.

Sa Magic Voyz: The Repeat, tampok din ang mga naggagagandahang sex sirens na sina

Marianne Saint, Krista Miller, Yda Manzano, Megan Marie at Ram Castillo. Kasama ring nag-perform ang Jo and D Holy Notes.


Ang Magic Voyz ay binubuo nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones , Asher Diaz at Johan Shane.

1 comment

1 Comment


nedeba9370
7 hours ago

Looking to transform your corporate Christmas party into an unforgettable experience? Incorporating unique entertainment can make all the difference. From live magic shows to interactive games, engaging your team fosters camaraderie and joy. For innovative suggestions, check out "https://magicalkatrina.com/magiciansblog/spice-up-your-corporate-christmas-party-with-these-great-entertainment-ideas." Imagine the delight of a professional magician dazzling your colleagues or festive photo booths creating memories to treasure. Add karaoke for those with hidden vocal talents, or themed activities to match your company's spirit. By thinking outside the box, you can elevate your holiday celebration and leave everyone talking about it well into the new year.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page