top of page
Search
BULGAR

Magkakapamilyang pultiko na sabayang kakandidato ibasura

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 1, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SINASAMANTALA NG POLITICAL DYNASTIES NA MAY SIKAT NA APELYIDO ANG KAMANGMANGAN SA PAGBOTO NG MAJORITY PINOY -- Nagkalat ngayon ang mga mukha sa mga billboard, tarpaulin at social media ng mga magkakapamilyang sabayang kakandidato sa 2025 midterm election. 


Bakit sila (political dynasty) sabayang kakandidato? Simple lang naman ang dahilan, ito ay upang samantalahin ang kamangmangan sa pagboto ng majority Pinoy, na alam nilang mananalo sila sa eleksyon dahil ang akala ng mga botante na ‘yung mga magkakapamilyang pulitiko na may mga sikat na apelyido ay ang mga ‘yun ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan, tsk!


XXX


IBASURA ANG MGA TRAPO AT POLITICAL DYNASTIES -- Ngayong Oct. 1 ang simula hanggang Oct. 8 ng filing ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa May 2025 midterm election.


At dahil panahon na naman ng eleksyon ay magsasalimbayan na naman ang pangako ng mga pulitiko sa mga botante na nagbibigay ng tila maling pag-asa sa mamamayan, dahil kadalasan ang pangako ng mga pulitiko, lalo na ng mga trapo (traditional politicians) at magkakapamilyang pulitiko ay napapako, hindi natutupad kapag naluluklok na sa poder. 


Kaya ang dapat gawin ng publiko ay kilatisin ang pagkatao ng kandidato, at kapag ito ay trapo at mula sa political dynasty, dapat ibasura mga ‘yan sa eleksyon kasi kapag nanalo ang mga ‘yan ay tiyak mapapako lang ang mga pangako nila sa mamamayan, boom!


XXX


PANAHON NA NAMAN NG ELEKSYON, KAYA NAGLITAWAN NA NAMAN ANG MGA FAKE NEWS VLOGGER -- Dahil panahon na naman ng eleksyon, naglitawan na ulit sa social media ang mga bayarang fake news vloggers.


Gagawa na naman ng mga fake news ang mga iyan na ‘yung kurakot na pulitiko ay palalabasin nilang good politicians at ‘yung mga matitinong pulitiko ay palalabasin nilang bad politicians.


Kaya panawagan sa publiko, huwag maniwala sa post ng mga bayarang fake news vloggers, period!


XXX


KAILAN KAYA ULING MAGPAPAKABAYANI ANG MGA TAGA-COA? -- Nang pumutok ang pork barrel scam noong year 2013 ay kabilang ang Commission on Audit (COA) sa mga naging bayani sa mata ng publiko dahil talagang nagsipag sila noon sa pag-audit sa kaban ng bayan na nasa pork barrel funds ng mga senador at kongresista, at doon nila natuklasan na in-scam lang pala ng ilang sen. at cong. ang pera ng bayan na inilalaan nila sa kanilang mga pork barrel projects.


Kaya’t ang tanong: Kailan kaya uli magpapakabayani ang mga taga-COA sa pamamagitan ng pagbusisi o pag-audit sa pork barrel projects ng mga sen. at cong., abangan!





Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page