top of page
Search
BULGAR

Magkakapamilyang pulitiko, feeling family corporation ang puwesto sa gobyerno

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 14, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

WALA NAMANG GINAWANG PAGBABANTA SI VP SARA KAY PBBM, KUNG MAKAPAG-REACT ANG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIANS, OA -- Matapos sabihin ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na kaya hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa July 22, 2024 dahil siya raw ang “designated survivor”, ay pinutakti na siya ng batikos ng mga anti-Duterte politician na kesyo hindi raw dapat ginagawang joke ang anumang pagbabanta sa Presidente.


Hay naku, wala namang ginawang pagbabanta si VP Sara, “designated survivor” lang naman ang sinabi niya, eh kung makapag-react ang mga anti-Duterte politician ay napaka-OA (over acting), boom!


XXX


SURVEY FIRMS, PAHIRAP SA BUHAY NG MGA PINOY KASI IKINAKAMPANYA NILANG IBOTO ANG MGA PAHIRAP NA POLITICAL DYNASTY -- Isa sa mga nagpapahirap sa mga Pinoy at sa ‘Pinas ay ang mga survey firm at political dynasty.


Sa mga inilalabas kasing senatorial survey ng survey firms ay mistulang ikinakampanya nila sa mga Pinoy na low-IQ (intelligence quotient) o mga botanteng mangmang, na ang iboto ay mga trapo (traditional politicians) na may mga political dynasty, kasi madalas nilang gawin kapag nalalapit ang halalan na ang mga inilalagay nilang pasok sa top 12 sa pagka-senador ay mula sa magkakapamilyang pulitiko, mga pwe!


XXX


IBASURA SA HALALAN ANG MGA MAGKAKAPAMILYANG PULITIKO NA FEELING FAMILY CORPORATION NILA ANG MGA PUWESTO SA GOBYERNO -- Kung nais ng mga Pinoy na kahit paano umasenso sa kanilang buhay at bumaba ang presyo ng mga bilihin at bayarin, ibasura nila sa halalan ang mga trapo na may political dynasty o magkakapamilyang pulitiko na ang feeling ay family corporation nila mga puwesto sa gobyerno.


Sa totoo lang kasi, pahirap nang pahirap na ang buhay ng mga Pinoy sa ‘Pinas, pero ‘yung mga magkakapamilyang pulitiko sa bansa na ibinoboto ng tila majority low-IQ Pinoys, pa-rich nang pa-rich at walang paki ang mga ito (political dynasty) sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, period!


XXX


KAPAG NALALAPIT ANG SONA NG PRESIDENTE BUMABABA ANG PRESYO NG PAGKAIN AT MGA PRODUKTONG PETROLYO -- Kamakalawa ay halos sabay na inanunsiyo ng Dept. of Agriculture (DA) na bababa raw ang presyo ng ilang produktong pagkain at Dept. of Energy (DOE) na magkakaroon daw ng oil price rollback.


Ganyan talaga ang diskarte ng gobyerno, kapag nalalapit ang SONA ng Presidente, pansamantalang ibinababa ang presyo ng pagkain at produktong petrolyo para makasama ang mga “mababang presyo” sa ibibida ng Pangulo sa kanyang SONA, pero 1 week after SONA, taasan na naman ang presyo, boom!



Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page