ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 23, 2022
Masayang-masaya si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto noong malamang siya'y magiging lola na. Limang buwang buntis na kasi si Jessy Mendiola kay Luis Manzano, ang panganay na anak ni Ate Vi.
Sa panayam kay Ate Vi sa PEP.ph via Zoom nitong August 20, 2022, naikuwento ng actress na napaiyak siya sa tuwa noong kumpirmahin nina Luis at Jessy sa kanya ang good news.
"(Month of) May nu'ng una naming nalaman, Mother's Day kung 'di ako nagkakamali. Hindi naman dahan-dahan. Sinabi na lang nila, Mother's Day na, kasi they were greeting me for Mother's Day.
“Sabi nila, ‘Happy Mother's Day! Happy Mother's Day!' May get-together dito ang pamilya.
"Sabi ni Lucky sa akin, ‘Mom, 'di mo ba siya babatiin?’ Sabi ko, ‘Happy Mother's Day!’
“Sabi niya, ‘Batiin mo na.' Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Batiin mo na.’ Sabi ko, ‘Anak naman!’
Sabi niya, ‘Hindi, batiin mo na 'yung mother.’
“'Yun, talagang maiyak-iyak ako, ‘Totoo ba? Totoo ba? Oh, my God!’ Halos maiyak ako na hindi ako makapaniwala," sey ng nabiglang si Ate Vi.
Patuloy pa niya, “Dyusko, sa tagal-tagal kong hinintay 'yung talagang apo, ngayon, mayroon na. I'm looking forward kay Peanut."
"Peanut" ang pet name na ibinigay ng mag-asawa sa sanggol na nasa sinapupunan ni Jessy.
Corny kung tutuusin ang pangalang Peanut, pero pumayag na rin ang beteranang aktres. Bakit?
"Napag-usapan lang kasi namin nu'ng nag-positive siya, ‘Peanut, Peanut.’ Ayan, hanggang naging Peanut na. Peanut na ang tawag namin, pero nanggaling din 'yun kay Lucky, nanggaling 'yun sa kanila.
“Nu'ng malaman lang namin na preggy na nu'n si Jessy, basta paghalik ni Lucky sa tiyan ni Jess, sabi niya, ‘Hello, Peanut.’ Sabi ko, ‘Peanut ba 'yan?’
“Kasi parang maliit, 'yung sac, parang maliit na peanut when they saw it. Parang may maliit nga raw na bilog na parang peanut, ‘Oh, si Peanut.’ Hanggang ngayon, si Peanut na. May gumagalaw na, Peanut pa rin.”
Mensahe pa ni Ate Vi sa anak at manugang niyang magkakaroon na rin ng sariling pamilya, "Maiiba ang buhay nila, eh. Kasi you wouldn't know, as a mom, kahit ano ang sabihin mo, ‘Naku, alam mo, 'pag naging nanay ka na, ganito mangyayari sa iyo…’ Alam mo, you wouldn't know until ikaw mismo makakita na mayroong buhay na nanggaling sa iyo, na du'n mo lang mare-realize na kaya mong ipagpalit ang buhay mo para sa mga anak mo.
“Definitely, 'pag lumabas na si Peanut, maiiba more or less next step ang status ng buhay nila as family. Kahit papaano, may mga priorities sila na maiiba, and I told them to prepare for that.
“Iba na 'pag nandiyan na ang baby kaya kailangan, it's more understanding. Ang thinking nila, it's more of — ikaw, ako, hindi na — family na ang tingin mo rito. It's not only you’re my wife, you’re my husband; you're a mom, and you're a dad, you're a father.
“Maiiba sigurado ang buhay nila. So, kailangan, as early as this, i-prepare na nila ang sarili nila para sa maganda, more on positive, kaya lang holistic na 'yung approach niyan. Family na ang tingin diyan, hindi na 'yan man and wife, hindi na. Family na ang tingin diyan," mahabang mensahe pa ni Ate Vi sa mag-aswa.
Comments