Magiging politician's wife na… MAINE, BABU SA EAT BULAGA! AFTER NG KASAL KAY ARJO
- BULGAR
- Mar 15, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 15, 2023

Sa gitna ng isyu sa internal problem ng Eat… Bulaga!, may umiikot na balitang isa si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa mga mawawala sa longest-running noontime show.
Ito'y kahit na isa si Maine sa mga nagpasikat nang husto sa EB! nang maging big hit ang tambalan nila ni Alden Richards, ang AlDub.
Buong bansa ang nabaliw sa pagtutok sa AlDub kaya taob ang lahat ng katapat na programa ng Eat… Bulaga!. Naging triple ang popularidad ng EB! dahil sa libu-libong tagahanga ng AlDub.
Bukod sa TVJ, ang AlDub ang naging alas ng Eat… Bulaga!.
At ngayon, heto at may tsikang tsutsugihin na si Maine Mendoza sa noontime show.
Well, kahit na hindi nagkaroon ng isyu sa Eat… Bulaga!, expected na ng marami na magla-lie low si Maine sa kanyang showbiz career dahil nakaplano na ang kanilang kasal ni Cong. Arjo Atayde.
Sa taong ito, magiging politician's wife na siya at priority na niya ang magkaroon ng sariling pamilya. Hindi naman kasi siya breadwinner na tulad ni Liza Soberano.
May kaya ang kanyang mga magulang kaya hindi siya obligadong kumayod para maitaguyod ang kanyang pamilya.
Besides, malaki na ang kinita ni Maine sa panahon ng kanyang pag-aartista. Marami na siyang naipundar at naipon.
Comments