ni MC @Sports | June 29, 2024
Makaraang makatuklas ng mga malulupit na riders sa nakaraang mga karera, wala nang kuwestiyon sa mga lilitaw pang bagong breed ng cycling talents sa finish line ng Go For Gold Criterium Race Series 2 na magsisimula sa City Di Mare sa Cebu City ngayong Linggo.
Ilang buwan ang nakaraan matapos ang blockbuster kick-off phase sa Clark, Pampanga, inihanda na ang daan para sa mga promising cyclists ng Visayas para sa one-day speed contest sa Southern Queen City’s newest criterium hub.
Bukod sa pagpapakita ng pinakamahuhusay na riders sa rehiyon ng men’s and women’s elite at under-23 categories, ang closed-circuit 1.1-kilometer route ang magsisilbing springboard para makadiskubre pa ng homegrown heroes ng sport. ``With Cebu being a hotbed of cycling and cycling talent, we expect na maraming manonood at pupunta sa event natin,’’ ayon kay Go-For- Gold founder Jeremy Go.
Hinangaan ang 17-year-old na si Marvin Mandac ng Batangas ng Go For Gold Cycling Team sa nagdaang Go For Gold Criterium Race Series 1 sa iconic Sacobia Bridge sa Clark nang magwagi sa juniors category, maging si Marco Lumanog ng Pangasinan.
``Not all cyclists will be given the opportunity, but this is one way to discover those talents. The best way to find them is to set up top-quality races where cyclists from far-flung areas can access and show off their skills,’’ ayon naman kay Go For Gold project director Ednalyn Hualda na sinuportahan din ni Cebu City VM Dondon Hontiveros.
Ang men’s elite ay kakarera sa 25 laps sa flat 1.1km course habang ang women’s elite ay 20 laps. Ang under-23 category ay may 30 laps, ang youth at junior divisions plus men’s 30-39 at 40 up ay kakarera sa 20 laps at ang manager’s group ay pepedal sa 15 laps. Higit sa P200,000 prize money ang ipamimigay sa event, kung saan ang champion sa premier men’s and women’s elite categories ay may P20,000 bawat isa.
Kommentare