ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 11, 2023
“Malas talaga kayong mga madre!” Galit na galit na sigaw ni David.
Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili, dahil iyon naman talaga ang kanyang nararamdaman. Galit at pagkapoot, sa mga nilalang na naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang magulang.
Mahal na mahal niya ang kanyang magulang, pero ‘di nagawa ng mga ito na magpaalam sa kanya, dahil kinailangan ng mga magulang niyang magpunta sa orphanage na iyon para mag-donate ng pera at kung anu-ano’ng gamit. Kaya, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga madre.
Nang tumira siya sa kanyang tiyahin at nakapagtapos ng kursong criminology. Hindi pa rin nawala ang galit sa kanyang puso. At mas lalo pa ngang nadagdagan iyon dahil ayaw niya ang nakagisnan niyang buhay. Masyadong relihiyoso ang kanyang tiyahin kaya sa tuwing bumibigkas siya ng dasal lalong nadadagdagan ang galit niya.
Para kay David, isang kalokohan ang pagdarasal. Nagdasal kasi siya noon na sana madugtungan pa ang buhay ng mga magulang nila ni Maritoni, pero walang nangyari.
Kaya, napagdesisyunan niyang mag-take ng criminology. Nais niyang maghiganti sa mga madre.
“Papatayin ko sila,” galit niyang sabi sa kanyang sarili.
“Shhh…hmm.” wika rin niya sa sarili.
“Seryoso ako, lahat ng mga madre ay papatulan ko dahil gusto ko silang maglaho sa mundong ito.” marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan.
“Magandang hapon po,” wika ng isang madre.
Nanlisik ang mga mata niya rito at sabay sabing, “magdasal ka na, sister.”
Itutuloy…
Comments