top of page
Search

Magbibigay na raw ng singsing, pinatutsadahan… HIRIT NI AI AI: SI EX, ‘DI PA ANNULLED

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 5, 2025




Lilipad pa-Amerika si Ai Ai delas Alas sa February 14, hindi para makasama ang ex niyang si Gerald Sibayan sa Valentine’s Day, kundi para ayusin ang kanyang citizenship. 


Kung sa San Francisco, California pupunta si Ai Ai at doon pa rin based si Gerald (granted na hindi pa ito lumipat ng state), posible kayang magkita ang ex-couple?


Sayang at hindi namin naitanong kay Ai Ai ang posibilidad na magkita sila ni Gerald at kung ano ang kanyang gagawin. Also, dahil aayusin nito ang kanyang citizenship, naalala namin ang mga payo sa kanya ng mga netizens na bawiin ang green card ni Gerald na na-grant dito dahil sa kanya.


Minsan nang nabanggit ni Ai Ai na wala siyang balak na bawiin ang green card ni Gerald, pero sa mga posts nito lately, parang nagbago na ang kanyang desisyon, lalo na nang mag-post siya sa Facebook (FB) na bumili ng ring ang ex.


‘Kaaliw ang post ni Ai Ai na, “Si Cheater bumili ng ring? Ay, wow! Pang-engaged na? Huh? Divorced na ba sila ni wifey? Nyek, hindi pa, ‘no!” 


May binanggit pa itong “Sabi ng mga soldiers... Sana OL (all)... pagkasyahin ko sa leeg n’ya.”

Anyway, sandali lang daw sa Amerika si Ai Ai dahil marami itong gagawin dito kasama na ang renewal ng contract niya sa GMA Network. 


Bago umalis, nakapag-taping na rin si Ai Ai para sa Mga Batang Riles (MBR) kung saan siya guest bilang yaya. Masaya si Ai Ai sa guesting niyang ito at makatrabahong muli si Miguel Tanfelix na isa sa mga bida ng action series.


 

Ex na si Lee, binate ang anak… 

POKWANG: MAIBABAYAD BANG PANG-TUITION ANG GREETINGS NIYA?


IPINA-TRO o Temporary Restraining Order pala ni Pokwang ang ex-partner niyang si Lee O’Brian, kaya magkita man sila abroad, hindi siya nito malalapitan. 


Ang nakalimutan naming itanong kay Pokwang ay kung may bisa ba sa ibang bansa ang TRO na in-issue rito sa ‘Pinas?


Pupunta kasi si Pokwang sa Dubai kung saan may show sila ng kaibigang si Pooh. Hindi naman siguro lilipad pa-Dubai si Lee just to see Pokwang.

Anyway, napag-usapan kasi sa mediacon ng Binibining Marikit (BM) ang tungkol sa ex at sa tanong kung ano ang reaction niya sa birthday greetings ni Lee sa anak nilang si Malia,  “Maibabayad bang pangmatrikula sa school ang birthday greetings n’ya?” sagot ni Pokwang.


Mabuti na lang kahit walang sustento si Lee kay Malia, hindi napapabayaan ni Pokwang ang anak. Kahit may mga TV shows ito, hindi pa rin nakakalimutan ang live performances, kung saan busy din siya.


Ibinalik din nito ang kanyang online bottled food business at natutuwa na marami pa rin ang sumusuporta. 


Ang maganda sa business na ito ni Pokwang, marami siyang natutulungan na misis na magkaroon ng hanapbuhay.


Anyway, mula sa direksiyon ni Jorron Lee Monroy, natutuwa si Pokwang sa role niya sa BM dahil mayaman siya. 


“As Mayumi dela Cruz, rich ako rito... maiba lang sa mga dati kong roles. Exciting at nag-shoot pa kami sa Japan ni Herlene (Budol). Nag-bonding kami ni Herlene habang nasa Japan kami, nakapag-usap kami at ang pinagdaanan namin last year, wala na ‘yun. Kabag lang ‘yun,” positibong wika ni Pokwang.


 

NASA bansa na si Liza Soberano, may chance kayang siya ay mainterbyu? 

May isyu sa kanya, tungkol sa pag-unfollow niya kay James Reid at sa GF nitong si Issa Pressman sa Instagram. 


Ang alam ng marami, kahit bumitaw na si Liza sa Careless Management ni James, friends pa rin sila.


Sa pag-unfollow niya kay James at pati sa GF nito, nagulat ang mga fans at dahil pare-pareho tayong Marites, gusto nating malaman kung bakit.


Gusto ring malaman ng mga fans ang rason ng pagbabalik sa Manila ni Liza. May project ba siyang gagawin o magbabakasyon lang?


Well, nag-post ito ng photos sa Instagram (IG) na kasama niya ang mga kaibigan na mostly, hindi from showbiz. Si Kyle Echarri lang yata ang taga-showbiz na kasama sa party.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page