ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | June 25, 2024
KATANUNGAN
Ang problema ko ngayon ay tungkol sa aking karera o hanapbuhay. Noon, ako ay nagtatrabaho bilang seaman ngunit napauwi ako dahil sa aking sakit. Sa ngayon, magaling na ako pero nasa bahay pa rin ako at hindi ko alam kung kailan ako tatawagan ng aking agency.
May nakuha akong balita na baka raw tatawagan na ako sa darating na October at sana ay makabalik na kong muli.
Gusto ko sanang itanong, kung kailan kaya ako makakabalik sa barko. Maestro, totoo kaya ‘yun na sa darating na October makakasampa na kaya muli ako?
KASAGUTAN
Huwag kang mag-alala, Albert, dahil kitang-kita sa iyong palad ang malinaw na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nangangahulugang kailangan mo lang maghintay.
Sa ikalawang pagkakataon, magkakaroon ka na ng mabiyayang pangingibang-bansa na nakasulat sa iyong kapalaran, at kinumpirma ng pumangit pero gumanda mong lagda na mas gaganda ang career at propesyon mo lalo na sa pagiging seaman.
Ang mga datos sa itaas ay nagpapatunay din na kung nakapag-abroad ka na dati, ‘yun pa rin ang mangyayari. Kaya tiyak na may ikalawang pag-a-abroad sa iyong kapalaran na madali namang kinumpirma ng maganda at maayos mong Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.). Ibig sabihin, habang nagkaka-edad ka, gaganda pa nang gaganda ang career mo, at lalo pang sasagana ang iyong karanasan sa edad mong 34 pataas.
DAPAT GAWIN
Mahalaga na huwag kang mawalan ng pag-asa at magtiyaga sa paghihintay, dahil sa huli ng taon, sa Oktubre o Nobyembre, tiyak na mas mabibiyayaang ka na ng oportunidad sa ibang bansa.
Comentários