ni Lolet Abania | May 4, 2022
Asahan na magiging maganda ang panahon o fair weather sa maraming bahagi ng bansa sa Election Day, batay sa tala ng PAGASA ngayong Miyerkules.
Ayon kay weather forecaster na si Ana Clauren-Jorda sa isang interview, wala silang namo-monitor na anumang sama ng panahon o weather disturbance na maaaring makaapekto sa bansa sa Mayo 9.
“Mataas lamang po ‘yung tsansa ng mga pag-ulan po natin sa bahagi ng Mindanao, pero overall sa umaga ay magiging maganda at maaliwalas naman po ang ating panahon,” sabi ni Clauren-Jorda.
Sa Lunes, Mayo 9, ang mga Pilipino ay nakatakdang bumoto para sa mga bagong lider ng bansa sa unang pagkakataon sa gitna ng pandemya ng COVID-19.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang mga botante ay kailangang nakasuot ng face masks at dapat na sumunod sa mga minimum public health standards sa mga polling precincts sa araw ng eleksyon.
Comments