top of page
Search
BULGAR

Mag-senador daw muna… MAYOR ISKO, INAYAWAN NG MGA TAGA-MAYNILA NA MAGING PANGULO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 26, 2021




Sa mga unang araw pa lamang ng pag-upo ni Isko Moreno bilang mayor ng Maynila ay marami na agad siyang pagbabagong ginawa. Inayos at ipinalinis niya ang Divisoria, ang Quiapo, Carriedo, at Liwasang Bonifacio at Underpass.


Mabilis din siyang umaksiyon at nagbigay ng ayuda noong mag-lockdown dahil sa COVID pandemic. Tumutok din siya sa pagbibigay ng vaccine sa mga health workers at mga senior citizens.


Mabilis din ang ginawa niyang pagpapatayo ng mga field hospitals nang dumami ang COVID cases sa Maynila.


Express ang kanyang ginawang pagpapatayo ng mga pabahay sa Tondo at sa iba pang parte ng Maynila na maraming informal settlers.


Napakalaking factor ng mga ginawang projects ni Yorme Isko upang sumikat siya nang husto at hangaan ng masang Pinoy.


Maging ang mga veteran politicians ay napabilib ni Yorme na isa lang dating kalakal boy at produkto ng That’s Entertainment ni Kuya Germs Moreno. Kaya naman, marami ang kumumbinse kay Yorme Isko na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa darating na 2022 elections.


Pero, maraming Manileños naman ang nagpoprotesta at kontra sa pagtakbong pangulo ni Isko Moreno. Nakaka-isang termino pa lang daw siya at kulang na kulang pa ang mga pagbabagong gusto nilang makita sa Maynila.


May ilang antigong Manileños din ang nagsasabing ginamit lang daw ni Yorme Isko ang pagiging mayor ng Maynila upang mapansin ng lahat at maabot ang kanyang ambisyon na maging pangulo. Napakabata pa niya at kulang na kulang sa kaalaman at experience sa pamamalakad ng gobyerno. Dapat ay nag-senador muna siya.


Pero, marami ang nagulat nang ang mag-asawang Sen. Ralph Recto at Congresswoman Vilma Santos-Recto ay lantarang nagpahayag ng suporta kay Yorme Isko. Nag-post pa nga sila ng message of support sa social media.


Naniniwala sina Sen. Ralph at Congw. Vilma na magiging mabuting pangulo ng bansa si Mayor Isko.


Ano kaya’ng say dito ng mga Vilmanians? Ibibigay ba nila ang boto nila kay Yorme Isko Moreno?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page