top of page
Search

Mag-iina, kaya tumakbong gov., vice-gov. at cong. sa Batangas… VILMA, LUIS AT RYAN, SURE NA SA PONDO DAHIL FINANCE SEC. SI RALPH

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 15, 2025



Photo: Ryan, Ralph, Vilma at Luis - FB Ryan Christian Santos-Recto


Siyempre, hindi ‘yan makukumpleto kung wala ang ating minamahal na Star for All Seasons at magbabalik-governor at ina ng Batangas na si Vilma Santos-Recto, sampu ng kanyang mga kapamilya na identified sa Barako Fest.


Kasama ni Ate Vi ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto na kapwa may mga posisyon ding tinatakbuhan sa lalawigan nang humarap sila sa media at iba pang kasapi sa pestibal.


“I don’t want to entertain that dahil mas mahalaga ang layunin naming maipagpatuloy ang magandang serbisyo para sa mga taga-Batangas. Let our work speak for itself,” ang hamon pa ni Ate Vi sa mga nag-aakusa ng political dynasty sa pamilya nila.


“Ano pa po bang magiging magandang halimbawa ko at pagbabatayan ng maayos at mapagkakatiwalaang public service kundi ang nagawa at ginagawa pa ng mommy ko, ni Gov. Vi?” ang bongga rin namang tugon ni Luis Manzano na tumatakbong vice-gov. sa ‘generic’ na labelling na ‘artista lang’ at walang alam ang mga tulad nila sa public service?


Of course, hindi rin nagpahuli si Ryan Christian na tatakbo namang congressman sa District 6 ng Batangas sa pagsasabing bagito man siya sa pag-aakala ng lahat, meron naman siyang pinaghuhugutan ng inspirasyon sa kanyang mga ginagawa ngayon.  


“Having grown and witnessed the lives my parents have in public service, I am also living that,” confident pang pagbibida nito.


Kung merong kilalang “HEARTS” program si Ate Vi na sentro ng kanyang political platforms (Health, Education, Agriculture, Roads and Infrastructure, Tourism and Technology and Security and Social Service), meron din namang “LUCKY” si Luis para sa mga programa niyang nakasentro sa youth, kabuhayan, labor, isyu sa unemployment at iba pa.


At dahil nasa gobyerno nga si Sec. Ralph Recto bilang Finance Secretary, mas nakakasiguro nga ng tulong-pinansiyal ang mga programa nila once approved at dumaan sa legit na proseso ng paghingi ng ayuda sa national government.

Bongga!


 

SAGLIT naman naming nakahuntahan sa Barako Fest event ang matagal na naming kaibigan at lagi naming kasama noong ‘swimming days’ niya sa sports locally and internationally (Sea Games, Asian Games hanggang sa Olympics) — si Cong. Eric


Buhain, na nagsilbi na ring representative para sa unang distrito ng Batangas.

Grabeng blast from the past ang maikli naming tsikahan, though nasusubaybayan ko rin naman ang mga gawain niya at ng asawa niyang si dati ring Congresswoman Eileen Ermita-Buhain. 


Minsan na rin kaming naimbitahan dati sa isang big event sa Balayan, Batangas na dekada na ang lumipas. Hahaha!


Anyway, isa si Cong. Eric sa mga kaalyado nina Gov. Vi at sa tinagal-tagal na rin niya sa public service, synonymous sa good and trusted service ang naipamalas at naibahagi ni Cong Eric sa mga constituents nila.

So happy to see you, my friend!


 

Pabongga na nang pabongga ang annual celebration ng Barako Fest sa Lipa City, Batangas.


Sa ikatlong taon this 2025, siniguro ng head nitong si Bryan Diamante na hindi lang mga taga-Batangas ang masisiyahan sa selebrasyon kundi maging ang lahat ng mga Pinoy o kahit mga foreigners na mahihilig mag-travel at ma-amuse sa magandang turismo at kultura ng bansa.


Sa sari-saring mga booths showcasing Batangas products na nadaanan namin sa kahabaan ng Manila-Batangas bypass road sa Lipa kung saan nakatayo rin ang mga high-tech stage para sa iba’t ibang performances ng mga invited celebrities, talaga namang mapapa-wow ka na lang sa ganda at very festive aura.


Nagsimula ito last Feb. 13 at tatagal hanggang Feb. 15, with various events from sports, to lifestyle to entertainment para sa mga taga-Batangas at mga dadayo sa lugar.


Mula kina Meme Vice Ganda, Joshua Garcia, Alex Gonzaga, Jessy Mendiola, hanggang sa mga kilalang banda, girl group at kina Ron Angeles at KZ Tandingan, may grand celebration ang lugar.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page