ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 10, 2025
Photo: Anne Curtis at Solenn Heussaff - Instagram
May post si Anne Curtis with Solenn Heussaff sa kanyang Instagram page.
Sa tema ng posted video ng TV host ay late na niya itong in-upload at wala sa kanilang tabi ang kani-kanilang hubby na sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico, respectively.
Aniya sa caption: "Safe to say, @solenn are ready for a dry January."
Sa larawan ay nagkakatuwaan ang mag-hipag habang may hawak na glass of wine while dancing.
Sabi ng mister ni Solenn na si Nico Bolzico, "No credits to your multiple camera man?"
Komento ng kaibigan nilang si Isabelle Daza, "Mga lasenggera."
Sey naman ng ilang netizens: "@isabelledaza mga kaibigan mong ‘di pinayagan um-attend ng party."
"This sisters-in-law duo = goals"
"Solenn's like totally drunk after the third spin! You both are so pretty."
"Wala ba mga asawa n’yo this January? Hahaha! Joke lang."
Kalat na hiwalay na kay Sen. Win…
“I PROMISE TO MYSELF, I'M GONNA TREAT ME RIGHT” — BIANCA
May selfie post si Bianca Manalo sa kanyang IG Stories kung saan nasa harap siya ng salamin. She was fixing herself, looking lovely.
May background ito na kanta ni Meghan Trainor titled Treat Myself.
Kumakalat kasi ang balitang break na sila ng politician boyfriend na si Sen. Sherwin Gatchalian.
Pareho namang hindi pa nagsasalita ang dalawang personalidad hinggil sa kanilang hiwalayan.
"Oooh, I promise to myself, I'm gonna treat me right," ang caption ni Manalo.
Last November, Bianca also took to Instagram and shared a cryptic post. Isa itong larawan of a younger, little kid version of the actress, where she was telling her that she will be okay.
Ano kaya ang ibig sabihin ni Bianca sa kanyang post?
MUKHANG may kasunod agad ang Janine Gutierrez at Jericho Rosales project pagkatapos ng kanilang Lavender Fields.
Actually, bago magtapos ang December ay inanunsiyo na ito sa ABS-CBN Christmas Special.
Hanggang ngayon na magtatapos na ang kanilang LF serye ay hindi pa rin tinatantanan ng mga bashers ang EchoNine.
Kahit na pumatok ang LF ay sinasabi nilang flop ang serye.
"Wala kang katibayan, number one sila sa Netflix."
“Flop? Tapos, may project pa ulit sila? Ano ‘yun, okey ka lang?"
"Always Top 10 on Netflix."
"Hindi ba contradicting ‘yun? Kung flop, bakit sila may project agad?"
“Kaya pala bawal pang aminin ang real score-status n’yo. Sabi nga ni Echo, ‘I really, really, really, really like her’ pa lang daw kayo, hindi pa official. May next project pa, hehehehe… ok lang ‘yan, keep it secret muna."
Depensa naman ng mga faney: "Wala naman silang itinatago. In Janine’s last vlog, they were calling each other pet names while traveling in Japan."
"Hahaha! Hindi umamin pero hello, nagta-travel na sina Echo at Janine. Ano pang pag-amin ang gusto mo? Jericho was even proud to confirm na nagde-date sila. Nakakaloka."
Comments