top of page

Mag-BFF, nag-away, nagkabati na… CHAVIT, GAME NA ULING MAG-PARTNER SILA NI PACQUIAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2022
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 14, 2022



Nasa 'Pinas na ang No. 1 chicken restaurant sa Korea na BBQ Chicken!


And guess who ang nagdala sa 'Pinas ng sikat na chicken resto na ineendorso ng sikat ding boyband sa Korea na BTS?!


Well, walang iba kundi ang former politician-business tycoon na si dating Ilocos Gov. Chavit Singson!


Kaya 'yung mahihilig sa K-drama at K-pop stars, may dadayuhin nang resto just to feel na para na rin silang nakarating sa Korea.


Nag-opening na nga last Friday (Nov. 11) sa Bonifacio High Street ang BBQ Chicken kung saan dinumog ito ng maraming guests na celebrities like Enchong Dee, Markus Paterson at ilang beauty queens, businessmen at mga social media influencers.


Present din sa opening ng BBQ Chicken ang chairman ng Genesis BBQ na si Mr. Hong Geun Yoon at ang CEO ng Genesis BBQ Asia na si Mr. Hyun Seok Noh.



Sinuwerte kaming makatsikahan sandali si ex-Gov. Chavit Singson na chairman ng LCS Group of Company bago pa ito umalis sa event.


Aniya, ang goal niya kaya dinala rito ang BBQ Chicken ay para makapagbigay ng maraming trabaho sa ating mga kababayan.


Pero take note, hindi basta-basta ganu'n kadali para ma-employ sa BBQ Chicken, ha?



Dahil sabi nga ni ex-Gov. Chavit, may chicken academy na magte-train sa mga kukunin nilang empleyado sa kanilang chicken resto.


First in the Philippines ang binuksang BBQ Chicken in Bonifacio High Street, pero sabi ni ex-Gov. Chavit, open sila for franchise dahil gusto nilang magtayo ng iba't ibang branches sa buong 'Pinas at naka-line-up na nga raw magkaroon sa Okada Hotel at sa Cebu.








Isiningit naming tanungin kung puwede rin bang mag-franchise si Sen. Manny Pacquiao na alam nating minsang nakaalitan ni ex-Gov. Chavit at in fairness sa kanya, ngayong bati na sila ng Pambansang Kamao, aniya ay open naman ang kahit sinong magpakita ng interes na mag-franchise.


Meaning, puwedeng-puwede na uli silang magsosyo sa negosyo ng kanyang BFF na si Sen. Manny!


Oh, eh, di masaya!


Anyway, natikman namin ang ilang flavors ng BBQ Chicken at true… feeling namin ay nakarating na kami sa Korea dahil sa spicy chicken nila na paborito ng mga Koreano.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page