Mag-BFF na aktres, nagbati sa ABS-CBN Ball… HEART, NAGTAMPO KAY ANGELICA DAHIL KAY MARIAN KUMAMPI, ‘DI SA KANYA
- BULGAR
- 6 days ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 7, 2025
Photo: Heart Evangelista - IG
Ayon sa latest tsika nina Marites at Mosang, may maganda raw naidudulot ang mga showbiz events tulad ng nakaraang ABS-CBN Ball.
Dito raw nagkaayos ang dating best friends na sina Heart Evangelista at Angelica Panganiban na parang magkapatid na raw ang turingan.
Nagkaroon lang daw ng lamat ang sisterly relationship ng dalawa noong panahong nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Marian Rivera at Heart Evangelista. Mas kinampihan daw ni Angelica si Marian. Dahil daw dito ay sumama ang loob ni Heart kay Angelica.
But as the saying goes nga... time heals all wounds, na tipong happy ending sa nasabing magkaibigan.
And last April 4 nga, nasaksihan ng publiko ang renewed friendship nina Angelica at Heart. Nagkita sila sa Solaire North sa Quezon City where the highly anticipated ABS-CBN Ball took place.
Nagkaiyakan ang dalawa — proof how they sorely missed each other.
Well, ‘yun na!
TULUY-TULOY ang paghahatid ng kilig at saya ng latest Star Cinema romantic-comedy movie na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD). Kumita na ang unang tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa pelikula ng P100 million sa worldwide box office.
Bukod sa Pilipinas, palabas din ang pelikula ng KimPau sa iba’t ibang bansa na tinangkilik ng mga manonood, lalo na ang mga taga-Amerika at Canada, kung kaya’t ang lakas nito sa takilya.
Matatandaan na nakalikom ito ng P12 milyon noong unang araw at P40 milyon naman sa loob ng apat na araw sa bansa. Hindi pa rito natatapos ang pag-arangkada ng pelikula, lalo pa’t naipapalabas pa rin ito sa North America, Australia, New Zealand, Middle East at piling European and Asian countries.
Nitong weekend, lumipad patungo sa US sina Kim at Paulo para magpasalamat sa kanilang mga fans sa three-day special screenings sa L.A. Cinemark Carson Theater sa Los Angeles.
Pinarangalan ng California Legislature Assembly sina Kim at Paulo ng Certificates of Recognition para sa kanilang kontribusyon sa mundo ng sining at ang kanilang patuloy na pagsulong ng Asian artistic excellence o galing ng mga Asyano sa buong mundo.
Nakatakda rin silang pumunta ng Middle East sa isang espesyal na meet and greet naman sa Reel Cinemas, Dubai Mall sa Abril 12 at 13.
Mapapanood din ang nasabing hit movie sa Austria sa Abril 5 at Cambodia sa Abril 18.
Comments