ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 26, 2024
Tatakbong senador si Phillip Salvador sa midterm elections next year under Partido Demokratiko Pilipino (PDP). Kasama niya sina Senators Bong Go at Bato dela Rosa na pambato ni former President Rodrigo Duterte.
May slogan na si Phillip, ang “Mr. IPEktibo,” at nag-iikot na siya sa bansa para mas makilala pa.
Si Robin Padilla ang campaign manager ng PDP na malakas din sa tao.
Makakasabay ni Phillip na tatakbong senador si Sen. Bong Revilla, Jr. na nagpahayag na rin ng muling pagtakbo. Magkaiba lang ang partido nila.
Pinuri ng mga netizens si Anne Curtis dahil wala raw masamang tinapay sa It’s Showtime (IS) host. Binati niya kasi ng “Happy Birthday” si Pia Wurtzbach noong September 24.
Sa mini-vlog ni Heart Evangelista, nabanggit nito si Anne at niyayang rumampa na rin sa Paris Fashion Week (PFW). Nakita kasi ni Heart ang post ni Anne na nasa Milan Fashion Week (MFW) sa imbitasyon ng Gucci. Kaya lang, hanggang MFW lang si Anne at hindi na ito tumuloy sa PFW.
Pinasalamatan si Anne ng mga supporters ni Pia sa birthday greetings nito. May nega lang at nag-comment na akala raw niya, loyal friend ni Heart si Anne na para bang pinalalabas na bawal mag-greet si Anne kay Pia dahil friends sila ni Heart.
May birthday greetings din si Megan Young kay Pia, pero walang nag-comment na may mali sa ginawa niya dahil siguro hindi sila friends ni Heart.
Anyway, may sweet birthday greetings ang husband ni Pia na si Jeremy Jauncey na lumipad sa Paris to be with his wife sa pagrampa nito sa L’Oreal at para magkasama sila sa birthday ni Pia.
Mensahe ni Jeremy, “Always by your side, forever grateful for our love. Happy birthday, baby @piawurtzbach.”
May comment din si Jeremy sa post ni Pia na, “So proud of you baby!!!”
May kasamang reels ang pagkikita nina Pia at Jeremy after ng runway walk nito at kinilig ang mga nakapanood sa reels, para raw eksena sa pelikula. Kaya ang mga comments sa post ni Jeremy Jauncey, mga kinikilig.
NA-DISCHARGE na sa hospital si Ayesha, ang eldest nina Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, Jr.. Umiyak pa si bagets nang malamang uuwi na sila.
Ipinaalam ni Yasmien nang isugod sa Emergency Room (ER) ang anak, pero ‘di binanggit kung ano ang sakit nito. Hindi niya sinagot ang mga tanong, hinintay muna nitong makauwi sila bago sabihin ang sakit ng panganay.
Pahayag ni Yasmien, “It’s been a challenging week for us. My daughter Ayesha suffered from stomach pain, vomiting, nausea, dehydration, dry skin, and appeared pale. Initially, we feared it might be food poisoning, inflammation, or dengue- especially given how common dengue is these days.
“However, after several tests, we learned that the real issues were irregular meal times, dehydration, and stress from school, compounded by her lack of sleep to finish school work.
“This experience highlights the importance of taking care of our bodies and mental health to avoid physical discomfort. Remember to eat on time, drink plenty of water, and relax!
“‘Wag talaga magpapalipas ng gutom. Eat the meals and snacks your moms prepared for school. Stress-free is the best way to be. Chill kids, we love you.”
Maraming moms ang naka-relate sa post ni Yasmien sa naging sakit ni Ayesha dahil ganu’n din daw ang pinagdaraanan ng kanilang mga anak.
Tiyak na lalong sisipagan at mas sasarapan ni Yasmien ang paghahanda sa school baon ni Ayesha para ito’y kumain habang nasa school.
INIHATID nina Manny at Jinkee Pacquiao kasama ang anak nilang si Michael ang isa sa dalawang anak nilang babae na si Princess na mag-aaral ng college sa Royal Holloway sa London.
Hindi lang sa airport nila inihatid ang anak, sa London mismo.
Ang ganda lang pagmasdan ang mag-anak, ipinamili nina Manny at Jinkee ang anak at tulung-tulong sila sa pag-aayos sa room, pati sa bed ni Princess.
Si Manny pa ang nag-ayos ng beddings pati stuffed toys at si Jinkee naman ang nagluto.
Parang buong room o apartment ba ang titirahan ni Princess dahil may kitchen at wala siyang ka-share sa room. Siguradong madalas siyang dadalawin ng mga magulang dahil si Jinkee, inaming naiyak na mahihiwalay si Princess sa kanila.
Pinuri ng mga netizens sina Manny at Jinkee sa magandang pagpapalaki sa kanilang mga anak, mababait daw ang mga bata pati sa mga helpers nila sa bahay, tumutulong
sa gawaing-bahay at uso sa kanila ang “po” at “opo.”
Maghanda lang daw sina Manny at Jinkee Pacquiao dahil after London, pagbalik ni Princess sa bansa, may British accent na ito.
Comments