ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | September 3, 2023
KATANUNGAN
Madalas kaming mag-away ng mister ko dahil sa pera, lagi kaming kinakapos sa pang-araw-araw. Dati, napagkakasya ko pa ang ibinibigay ng mister ko. Pero, ngayon wala na siyang trabaho kaya namomroblema na kami sa aming pang-araw-araw na gastusin.
Nais ko sanang malaman Maestro, kung maghihiwalay ba kami ng mister ko? Noong huling pag-aaway kasi namin ay nagsigawan kami at ang sabi niya kapag siya raw ay napuno, lalayasan niya raw kami.
Mula noon, tatlong araw na siyang hindi umuuwi, at para bang tinotoo niya ang kanyang banta. Tinetext ko siya, at nagre-reply naman siya. Ang sabi niya ay nasa bahay lang daw siya ng mga biyenan ko at nagpapalamig ng ulo.
Gustuhin ko mang tulungan siya sa pagtatrabaho, wala naman akong magawa dahil high school lang ang tinapos ko.
At ngayon, balak kong mamasukan bilang tindera para makatulong din ako sa aming pang-araw-araw na gastusin.
Maestro, tama ba ang naisip ko na mamasukan na lamang bilang tindera? At may pag-asa pa kaya akong matanggap kahit na may edad na ako?
Gusto ko rin malaman Maestro, kung may pag-asa pa kayang umunlad ang aming pamilya?
KASAGUTAN
Tama ang iniisip mo Kat, sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at magpapasko pa naman, kung hindi mo tutulungan ang mister mo sa inyong pang-araw-araw na gastusin, ang mangyayari nga nito, lagi na lang kayong mag-aaway nang dahil sa pera.
Ang nakakatuwa sa iyong palad ay may namataang malinaw na Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung mag hahanap ka ng trabaho o kahit na anumang pandagdag sa inyong pang-araw-araw, maaaring tindera o negosyo na may kaugnayan sa online selling, tiyak ang magaganap, sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Setyembre bago mag pasko, makakatagpo ka ng isang okey na trabaho, kahit na medyo maliit ang suweldo, makakatulong naman ito para sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan.
Kapansin-pansin din ang isa, malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa panahong ito, kahit na madalas kayong mag-away ni mister, hindi naman magiging sapat na dahilan ang nasabing mga tampuhan upang kayo ay maghiwalay. Sa halip, habang tumatagal ang pagsubok dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, magiging dahilan pa nga ito upang ang inyong pagsasama at pagmamahalan ay lalo pang tumatag at tumibay.
Batay sa pag-aanalisa, wala namang susuko sa inyo. Sa halip, lalo pa kayong magsisikap upang mapaunlad ang inyong kabuhayan na madali namang kinumpirma ng lagda mong imbis na papaliit ay papalaki pa nang papalaki at papaangat pa ang mga letra sa dulong bahagi. Ibig sabihin, sa bandang huli, kapag maayos na ang lahat. Ang isa pang mabuting balita ay kung‘di ka ang makapag-a-abroad, posibleng si mister ang makapangibang-bansa na magiging daan, upang mas bumuti at lalo pang umunlad ang kalagayan n’yo.
MGA DAPAT GAWIN
Habang ayon sa iyong mga datos Kat, tama ang iyong binabalak at iniisip sa kasalukuyan, simulan munang maghanap ng another source of income at hindi ka lang dapat na nakaasa sa kakarampot na sinusuweldo ng iyong mister.
Sa ganyang paraan, kapag natuto ka na ring gumawa ng mga bagay na pagkakaperahan, at kapag may sarili ka ng pinagkakakitaan, sa taon ding ito ng 2023 bago sumapit ang pasko, unti-unti ng makakaahon sa kahirapan ang inyong pamilya hanggang sa tuluyan ng umunlad at guminhawa ang inyong kabuhayan.
Comments