top of page
Search
BULGAR

Mag-asawang feeling hopeless yumaman, anak ang susi para matupad ang pangarap

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | December 1, 2023



KATANUNGAN

  1. Mula pagkabata ay naghihirap na ako, hanggang sa nagkaroon na ko ng sariling pamilya, ganu’n pa rin ang aking kapalaran. Bakit hindi ako makaahon sa kahirapan kahit na masipag naman ako? Sa ngayon, isa akong panadero, pero parang nararamdaman kong wala akong pag-asang umasenso rito.

  2. Ang pangarap naming mag-asawa para sa aming mga anak ay makapagtapos sila ng pag-aaral, dahil pareho namin ‘di nagawa ‘yun. Sa ngayon, nangungupahan lang kami sa isang barung-barong at sira-sirang bahay, kasi nga wala namang kaming pambayad para sa magandang apartment.

  3. ‘Di nauubos ang dasal namin na sana isang araw, matupad ang pangarap namin kahit na sa ngayon ay isang labandera lang ang misis ko at minsan ay suma-sideline din siya sa pagiging katulong.

  4. Sa palagay mo, Maestro, may pag-asa pa kayang matutupad ang pangarap namin? Ano ba ang dapat kong gawin para mabago ang takbo ng aming kapalaran? Sana umangat man lang ang aming kabuhayan.


KASAGUTAN

  1. Nangyaring ganyan ang kapalaran mo, Rap, dahil sa mahabang sloping Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa kasalukuyan, kulang na kulang kayong mag-asawa sa praktikalidad at pagkilos dahil ang sloping Head Line (arrow a.) ng isang indibidwal, ay isang senyales ng pangarap at magagandang ambisyon, kaya hindi pa natutupad ang iyong pangarap ay dahil sa iyong sloping Head Line.

  2. Dahil dito, hindi naman sinasabing wala kang pag-asang yumaman. Sa halip, kailangang matagpuan sa guhit ng palad ng iyong misis ang isang simple, straight o tuwid na Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.). Subalit kung hindi ganyan ang Head Line (arrow b.) sa kaliwa at kanang palad ng iyong misis, tulad ng iyong inaasahan, wala na ngang pag-asang umunlad at umasenso pa ang inyong pamilya, maliban na lang kung isa sa mga anak mo ay nagtataglay ng sinasabi nating straight Head Line (arrow b.) sa kaliwa at kanan niyang palad.

  3. Kung saan, sinuman sa anak mo ang mayroon ng nasabing Head Line (arrow b.) na tuwid at simpleng. Tiyak ang magaganap sa susunod na pag-ikot ng mundo, sa darating pang mga taon ng kanyang buhay, posibleng ang anak mong may straight Head Line (H-H arrow b.) ang siya na ngang mag-aahon sa inyo sa kahirapan.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang ‘pag materyal na tagumpay ang kailangan, napakahalaga ang porma at pagkakaguhit ng Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a. at b.) sa kaliwa at kanang palad. Kaya ang una nating dapat tingnan sa isang tao ay ang kanilang guhit sa kaliwa at kanang palad.

  2. Pangalawa, kailangang straight at maikling Head Line (arrow b.) kailangan ding may tigas, kapal, at enerhiya ang kaliwa at kanang palad kapag ito ay sinalat.

  3. Sa sandaling may ganyang guhit ng palad ang inyong mga anak o kaya’y ang iyong misis, tiyak ang magaganap, malaki pa ang pag-asa na makaahon kayo sa kahirapan at tuluyang umunlad. Ayon sa Decadens ng iyong kapalaran, posible itong mangyari at maganap sa taong 2039, sa edad mong 54 pataas.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page