ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 26, 2025
Photo: Nikki Valdez at Troy Montero - Instagram
Matinding trauma pala ang naranasan ni Nikki Valdez noong time na karelasyon niya si Troy Montero.
Nag-guest ang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at dito ay napag-usapan nila ang past affair niya with Troy noong mga panahong dalaga at binata pa sila.
“Alam mo naman na ‘to, Tito Boy, at saka, pinag-uusapan na lang natin ‘to, ha? Hindi na para maapektuhan pa tayong lahat,” paglilinaw niya muna.
Noong time na karelasyon daw niya si Troy ay nasa peak ang aktor ng career nito at napakarami raw na-shock na nagustuhan siya nito.
“During that time, it was his peak, the peak of his career and ang daming na-shock na ‘Ha? Bakit s’ya?’ Bakit daw ako, ‘di ba?
“Umabot pa nga sa point na may reference pa silang ang foreigner, mahilig sa kamukha ko. Yeah, may ganu’n nu’ng time na ‘yun,” kuwento ni Nikki.
“That was so painful for me, especially my family. My kuya then was in college and I remember he told me, napanood niya ‘yung isang interview sa TV na ‘yun na nga, ‘yung parang ‘Bakit si Nikki Valdez? Ang mga foreigner talaga, ang hilig sa mga mukhang ganyan!’ So, nasaktan ‘yung kuya ko for me,” pagre-recall ng aktres.
Umabot na raw sa point na hindi na raw sila bumibili ng diyaryo at hindi na raw siya nagbabasa ng entertainment section.
“Na-trauma talaga ako,” sambit niya.
“Siguro kung that happened in this generation, ‘yung sinasabi nila na ‘yung mental health ko, bagsak, negative talaga. Kasi, hindi ko alam paano umabot sa ganu’n.
“Eh, siyempre, nu’ng time na ‘yun, in love lang tayo. Tao lang naman tayo. And I believe na ours was a genuine kind of love,” tsika ni Nikki.
As we all know, happily married na ngayon si Troy kay Aubrey Miles while Nikki naman got married to her 2nd husband, Luis Garcia in 2018.
Hindi napigilang maging emosyonal ni Quezon City 1st District Representative re-electionist Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap last Monday sa SM North Skydome.
Naging napakaganda kasi ng pagtanggap at suporta ng mga tao sa kanyang pagpasok sa pulitika, kaya naman naging maganda rin ang kanyang performance.
Napaiyak ang aktor-pulitiko habang nagpapasalamat sa suportang natatanggap niya mula sa kanyang constituents at mga kasamahan na rin mula sa pulitika at showbiz industry. Kasama na rin dito of course ang kanyang pamilya at misis na si Maine Mendoza.
“Wala ako rito kundi dahil sa inyong tiwala, isang tiwalang hindi ko kailanman sisirain,” naiiyak niyang wika.
Sa loob ng 3 taong pag-upo ng first-time public servant, nakakabilib na napakarami niyang nagawa sa kanyang distrito. Una na nga rito ang kanyang signature program na “Aksyon Agad” na napakaraming natulungan.
“Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga mamamayan,” aniya.
Sa kanyang speech, inisa-isa ni Cong. Arjo ang kanyang accomplishments at kabilang dito ang 60 dialysis patients a day receiving free treatment at the district’s new facility, 75,466 individuals provided with medical assistance, 4,598 students receiving CHED educational aid at napakarami pang iba.
Aniya, “Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang direktang makakatulong sa inyo.
“Public service is not about grand gestures or sweet words—ito ay ang mabilis, epektibo, at tunay na pagtugon sa pangangailangan ng tao…”
Sa huli ay nangako si Arjo na lalo pa siyang magsusumikap sa mga darating na araw bilang pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya.
“Sa bawat araw na lumilipas, patuloy kong pinagsisikapan na patunayan na karapat-dapat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo sa ‘kin… Maraming-maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I won’t let you down,” sey ni Arjo.
تعليقات