top of page
Search
  • BULGAR

Madir ng ex mo, Bea, botong-boto sa bago… GERALD AT JULIA, HINIHINGIAN NA NG APO

ni Ambet Nabus @Let's See | September 16, 2024



Showbiz News

Masayang-masaya ang mga supporters nina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil sa mga recent posts nila. Nag-birthday kasi kamakailan ang dakilang nanay ni Gerald at base sa mga posts nila, halata namang “one happy family” na ang awrahan nila kumbaga.


Kitang-kita raw kasi na tanggap na tanggap na ni Tita Vangie (Evangeline Opsima Anderson) si Julia bilang future manugang.


In fact, naging wish nga raw ng masayahing si Tita Vangie during her birthday last week na sana raw ay mabigyan na siya ng apo nina Gerald at Julia.


Hindi pa man kasal ang dalawa ay sineseryoso na nga raw ng butihing nanay ng aktor ang maging ‘mother-in-law’ ni Julia.


Well, since naging close rin naman kami minsan kay Tita Vangie during her regular visit

noon sa Faces and Curves, alam naming hindi siya basta-basta nakikipag-pose sa mga nobya ni Gerald. Very vocal ito sa pagsasabi ng kanyang saloobin sa mga naging karelasyon ng anak at sa aming pagkakaalam, bukod-tanging kay Kim Chiu lang siya nakipag-bonding dati nang wagas. At ngayon nga ay kay Julia Barretto na.


 

SIMULA nang maging talent ng Viva Artist Center si Bea Binene, hindi na siya nawalan ng project, mapa-TV man o film.


Sa latest mystery horror offering na Pasahero, muling magbibida si Bea kasama nina Louise delos Reyes, Mark Anthony Fernandez, Andrei Yllana, at iba pa sa direksiyon ni Roman Perez.


“Wala po akong right na mag-complain. Trabaho is trabaho at obligasyon ko po na gawin ang the best ko. I am not here anymore to compete at magpaapekto pa sa mga intriga,” sagot ni Bea sa amin. 


Naitanong kasi namin sa aktres kung may pagsisisi ba siya na umalis siya sa GMA-7 at nagrereyna na ngayon ang kasabayan niyang si Barbie Forteza?


Well, napapansin ng Viva ang magandang work ethics ni Bea kaya sunud-sunod ang ibinibigay na trabaho para sa kanya. Sa mga TV series na kanyang ginawa, kinekeri nito ang mag-solo habang sa movies naman ay nagbibida siya as a solo artist.


“Natataon po talaga na mga solo roles po but I am still open to having a partner o ka-tandem depende sa project talaga,” sey pa nito.


“Paano kung matali ka na sa mga horror projects o roles na walang ka-tandem?” tanong namin.  


“Oh, di bongga rin. Basta may trabaho at maayos kong nagagawa, sino ba ako para mag-complain pa?” tugon nito.

‘Yun na!


 

Kalat na, hinahabol ng mga inutangan…

KEN CHAN, NAGTATAGO RAW DAHIL SA PERA


Ken Chan

MAY napagtanungan kaming ehekutibo ng GMA-7 tungkol sa ginawang socmed (social media) post ni Ken Chan last week.


Matagal-tagal na rin kasing umiikot ang isyung may pinagdaraanan ang aktor sa usaping pananalapi at may mga blind items pa nga tungkol sa seguridad nito, nang dahil diumano sa mga naghahanap ditong kanyang pinagkakautangan o mga naging business partners na diumano’y tinakbuhan siya o siya itong tumakbo raw?


“Naririnig din namin ‘yan pero wala talagang opisyal na sinasabi sa ‘min si Ken,” sagot ng aming kausap na very concerned din naman sa aktor.


Hindi na napapanood si Ken sa kanyang regular gigs sa TV at ‘yung pagkakatsugi sa karakter niya sa afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) ay months ago pa raw nai-shoot kaya’t matagal na talaga siyang walang exposure.


At dahil nagparamdam na ito muli, may mga nagsasabing bumabangon na ito at hinaharap na ang mga dapat niyang harapin.


‘Yun nga lang, may mga nagsasabing nasa ibang bansa na raw ito o baka “luma” na ang picture na ginamit nito sa post, though ‘yun nga ang naging latest post niya.

Sana naman ay nasa maayos na lagay ang magaling na aktor at ‘yung mga tsikang nasa panganib ang buhay nito dahil sa mga banta ay hindi naman sana totoo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page