ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 4, 2024
Photo: Trina Candaza - Instagram
Nilinaw ng ex-girlfriend at ina ng anak ni Carlo Aquino na si Trina Candaza na hindi totoo ang tsikang mayroon siyang rich boyfriend.
Kumakalat kasi ngayon ang espekulasyong may relasyon siya sa rich businessman na si Chucho Martinez dahil nakuhanan sila ng larawan na magkasama.
Medyo naba-bash nga ngayon si Trina dahil married man itong si Chucho, although may tsika ring hiwalay na ito sa asawa.
Sa isang Instagram (IG) post ng ex ni Carlo, kung saan ay ibinahagi niya ang mga blessings niya for 2024, isang netizen ang nagkomento tungkol sa tsikang rich BF niya.
Sey ng netizen, “Tama ‘tong post na ‘to para makita ng mga haters na hindi dahil sa rumored BF mo kaya mo na-afford lahat. I know you’re better than those rumors. I look up to you as a single mom din.”
Sinagot naman ito ni Trina at nilinaw that she’s not in a relationship. Aniya ay nagsisikap
siyang magtrabaho para mabuhay ang kanyang anak.
“I’ve heard the rumors about me nga. Pero no, I’m not dating anyone right now. And I work very hard to provide a good life for me and my daughter.
“I fully understand that there will always be assumptions from other people—and that’s okay. But I am the best person to tell my story because I live it,” pahayag ni Trina.
Ang tinutukoy niyang anak ay ang 4-year-old daughter nila ni Carlo na si Mithi.
Matatandaang naghiwalay sina Trina Candaza at Carlo Aquino noong 2022 at sa ngayon ay happily married na ang aktor sa aktres na si Charlie Dizon.
PINANGUNAHAN ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang whole day celebration ng World AIDS Day nitong nakaraang Dec. 1, Sunday.
Nagsimula ang selebrasyon at 8 in the morning sa pamamagitan ng World AIDS Day Walk 2024 na ginanap sa Pasig City, kung saan ay libu-libong tao ang nakisali at sumuporta kesehodang maulan nang umagang iyon.
Isa sa mga dumalo ay ang ating Secretary of Health na si Ted Herbosa at mga taga Department of Health, pati na rin ang Philippine National AIDS Council.
Sa hapon naman ay ginanap ang launching ng mga ambassadors ng World AIDS Day U=U Campaign at isa na nga rito si Pia.
Inilunsad din ang aktor at modelo na si Markki Stroem at sina Adrian Lindayag, Janlee Dungca at Lorenz Olleres bilang mga kapwa-ambassadors ni Pia.
Ayon sa Department of Health (DOH), kada araw ay may naitatalang 58 na kaso ng HIV sa bansa. Ang edad na 15 to 24 daw ang pangunahing apektado ng sakit.
Layunin ng campaign na mas mapalaganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa HIV at AIDS.
Ring, super-laki ng diamond…
THIA, ENGAGED NA
Engaged na sa kanyang long time non-showbiz boyfriend si Miss Eco International 2018 and Sparkle artist Thia Thomalla.
Ipinost ng aktres last Monday sa kanyang Instagram (IG) ang mga larawan sa naganap na proposal ng BF niyang si John Castelar sa Minoo Falls sa Japan.
Caption ni Thia, “Fiancé reveal.”
Sa isang larawan ay makikita ngang nakaluhod si John na tila nagpo-propose. Ifinlex din ng aktres ang kanyang engagement ring na super-bongga dahil sa laki ng diyamante.
Dinagsa rin ng pagbati ang post ni Thia mula sa mga celebrities tulad nina Kate Valdez, Edgar Allan Guzman, Jason Abalos, Carla Abellana, Sandy Andolong, Megan Young, Winwyn Marquez, Mavy and Cassy Legaspi, Maxine Medina at marami pang iba.
Commentaires