ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sep. 20, 2024
After four long years, muling nakita at nakasama ni Dennis Padilla ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ng dating live-in partner niyang si Linda Marie Gorton na nakabase na sa Australia.
Sa Instagram (IG) nu'ng September 13, 2024, ibinahagi ni Dennis ang larawan nila ni Maddie at ng isa pang anak na si Gavin na nilagyan niya ng madamdaming caption.
Ikinatuwa naman ng mga followers ng aktor na malamang miss na miss at mahal na mahal niya ang mga anak kay Linda na 12 yrs. niyang nakarelasyon.
Ngunit tila nabahiran na naman ang imahe ni Dennis bilang ama dahil sa pahayag ni Linda bilang sagot sa mga dating sinabi ng aktor na nagtatrabaho siya nang husto dahil 'madugong' magpadala ng pera sa dalawang anak niya sa Australia.
Sabi ni Dennis sa isang dating panayam, “Yes, maayos naman, maganda naman ‘yung co-parenting arrangement namin, and regular ko naman silang nakakausap ng video call.
“For the past three and a half years, du’n na sila nakatira, so medyo madugo ang labanan, child support. Mahal ang dolyar, eh, child support tayo, Australian dollars din.
“Awa ng Diyos, I am able to support and I am able to send their monthly child support.”
Nang mahingan ng pahayag si Linda, sinabi nitong hindi consistent ang pagbibigay ng financial support ni Dennis para sa kanilang mga anak.
Ayon sa ex-partner ng aktor, “This post is to clarify some things the father of my kids, Gavin and Maddie, said in an interview not long ago and what circulated around social media at that time.
“First of all, consistency in child support wasn’t always the case. Through the years there were many lapses in between.
“And many times I had to, and still have to persistently ask for it kasi kung papabayaan ko, matagal at kulang-kulang ang padala.
“Because I also work here, ako ang nagpuno sa mga pagkukulang na ‘yun.
“I don’t know what “madugo” meant in his statement when this is what was more or less the normal expenses for the kids, even back then when we were still living together."
Idiniin din nitong kung tutuusin, maliit talaga ang suportang ibinibigay ni Dennis sa mga anak kung ibabase sa mataas na gastusin nila sa Australia.
Mabuti na nga lang daw at sa public schools lang nag-aaral ang kanilang mga anak kaya walang tuition fee.
Bukod kina Gavin at Maddie, may isa pang anak si Linda bago pa sila nagsama ni Dennis, si AC. Kaya naman malaking tulong daw ang financial support, lalo na’t mahirap ang magpalaki ng tatlong anak sa Australia.
Samantala, gusto ring klaruhin ni Linda na wala silang usapan ni Dennis tungkol sa co-parenting noong naghiwalay sila last 2020.
“Secondly, we don’t have a co-parenting setup because since we parted ways in July of 2020, we never had a formal conversation about our separation and how we will raise our kids. Basta nakakausap n’ya lang ang mga bata.”
Sa huli, nilinaw ni Linda na ang hiwalayan nila ni Dennis ay hindi tungkol sa pera.
“Lastly, why Dennis and I separated goes beyond ‘hindi pagkakaintindihan’. It was never about financial problems.
“I stayed with him for almost twelve years, mayroon man kami o walang pera. I stayed for him and I stayed for the kids because I wanted a complete family for all of us.
“But just like most things in life, you can’t have everything you want. In the end, if there were many new things that he learned in life just like he said, so I did,” pagtatapos pa ni Linda Gorton.
Comments