ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 30, 2024
Sa gitna ng mainit na talakayan ngayon sa sexual harassment na nagaganap sa showbiz noon at ngayon, naglabas din ang aktres na si Rita Avila ng kanyang sariling karanasan tungkol dito.
Ibinulgar ng aktres ang kanyang karanasan sa Instagram (IG) account niya. Nangyari raw ito noong hindi pa siya artista ngunit direktor din ang involved.
“Sharing a sad SECRET na nalampasan ko,” bungad ng aktres.
“Nakakalungkot na may mga BIKTIMA at NAMBIKTIMA sexually sa SHOWBIZ. Pero hindi naman LAHAT,” patuloy niya.
Noong nagsisimula raw siya sa showbiz, wala naman siyang pang-aabuso na naranasan sa mga ginagawa niyang proyekto.
“Sa Seiko Films, Viva Films, at iba pang movie productions o TV, wala naman akong na-encounter na ganu’n.
“Nakarating lang sa ‘kin ang kuwentong ‘pag may nag-o-audition daw ay sinasabihang ganu’n din ang ipinapagawa sa ‘ming female lead stars. Kung malaswa ay HINDI TOTOO ‘YUN,” sey niya.
“Tinutuya ako sa pagpapa-sexy. Excited nga ako sa SEXY SCENES noon kasi ganu’n pala ang ART, ganu’n pala ang epekto ng ILAW at ANGULO, hindi kailangang ipakita ang kaluluwa,” sabi pa ng aktres.
Pagkatapos nito ay ikinuwento na niya ang nakakatakot at ‘kadiring’ karanasan sa isang direktor.
“PERO ETO KA, may isa pang SECRET. (Kung tamad ka na magbasa ay okey lang naman).
“Hindi pa ako artista noon ay may nakilala akong direktor na ‘ibinebenta’ ako sa producer, sabay nananamantala din itong direktor na ‘to.
“Pilit humahalik. KADIRI. NAKAKATAKOT,” aniya.
Pero ang matindi niyang rebelasyon ay tungkol sa kanyang ina na naaabutan o nabibigyan ng direktor at minsan ay itinulak pa raw siya sa kanyang cousin-in-law.
“Nagsumbong ako sa nanay ko pero parang wala lang sa kanya, ‘yun pala ay naaabutan s’ya.
“Minsan ay sa sarili kong cousin-in-law n’ya ako itinulak. Mabuti na lang ay nakaiwas ako, kahiya-hiya,” kanyang ini-reveal.
Sobrang sakit daw nito para sa kanya.
“Nakakapanliit. Nakakagalit. Sobrang masakit,” pahayag ng aktres.
Nagbahagi rin ang aktres ng kanyang thoughts tungkol sa kani-kanyang journey ng bawat tao.
“Kani-kanyang kapalaran at paglalakbay sa buhay. May mga taong gagawa ng MALI sa ‘tin, tayo man ay may gagawing MALI dahil ‘di pa natin alam ang gagawin.
“Ngunit sa huli, tayo ay mamumulat, matututo, at makikilala ang mga sarili. ‘Yun ang mahalaga.
“Imbis na MANAPAK, MANG-AKAY,” ito ang pahayag ng aktres na si Rita Avila.
Magaling na ang Star for All Seasons na si Vilma Santos mula sa ilang araw na pagkakasakit.
Ibinalita ito ni Ate Vi sa kanyang Instagram (IG) at nagpasalamat sa Diyos. Aniya, pahinga lang daw pala ang kailangan niya.
“GOD IS GOOD! (praying emoji) THANK YOU LORD! (smile emoji) REST IS THE MAGIC WORD. (heart emoji)” saad ni Ate Vi.
Tuwang-tuwa naman ang mga fans at followers niya na nagpasalamat din sa Diyos sa paggaling ng kanilang idolo.
Matatandaang 3 days ago nang ipaalam ni Ate Vi sa kanyang IG na hindi maganda ang pakiramdam niya’t humingi ng dasal sa kanyang mga followers.
“I am under the weather! Trying to be well soon (praying emoji) Please pray for me! (happy and heart emoji),” sey niya.
Dumagsa ang prayer warriors ng Star for All Seasons sa comment section at for sure ay naging malaking tulong ito para sa kanyang agarang paggaling.
Comments