Madir, mas payat kesa sa mga anak… SHARON, MUKHANG ATE NA SINA KC AT MIEL
- BULGAR
- 38 minutes ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 5, 2025
As of this writing, gaganapin pa lang ang ABS-CBN Star Magic Ball at isa sa mga inaabangan ay ang unang pag-attend ni Megastar Sharon Cuneta sa grandiyosong event.
Ngayon lang daw siya a-attend ng Kapamilya event dahil payat at seksi na siya ngayon.
Siyempre, marami ang ginulat at pinahanga ni Mega sa kanyang sexy figure ngayon. At kahit pumayat, hindi pa rin naapektuhan ang magandang mukha ni Sharon.
May suhestiyon naman ang mga netizens na sa pagpayat ni Mega ay sana i-share niya sa kanyang mga anak, especially kina KC Concepcion at Miel Pangilinan, ang naging journey niya sa pagpapapayat.
Mas mukhang “ate” na raw kasi ni Sharon ngayon sina KC at Miel.
Well….
Inalmahan ng ABS-CBN news anchor na si Karen Davila ang naging pahayag ng isang tumatakbong congressman sa Pasig ukol sa panawagan nito sa mga solo parents na babae na nalulungkot. Sinabi kasi ng kandidato na puwede raw sumiping sa kanya ang mga solo parents na babae na nalulungkot at nireregla pa.
Idinaan ni Karen sa pag-post sa X (dating Twitter) ang kanyang pagkadismaya sa kandidato.
Post ni Karen sa X kahapon, “I rarely tweet but let me say this. This is a VERY SICK MAN. Please sa mga botante ng Pasig, do not vote for candidates like these. Read what he said. This man is gross.”
Tinranslate pa ni Karen in English ang sinabi ng kandidato sa karugtong na post niya sa X.
“Let me translate in English, ‘To all the single mothers who are still menstruating, you can sleep with me.’ Ito ang kalidad ng mga kandidato natin. Please lang po. Mag-isip-isip tayo,” panawagan ni Karen sa publiko.
Pinasalamatan ng mga netizens si Karen sa kanyang post:
“Thanks for pointing this out, Queen Karen!”
“Unfortunately, Ms. Karen, na-normalize na ang ganyang kabastusan sa Philippines since 2016. Just look at all those DDS fanatics.”
“Thanks Karen for speaking against this sick man. There’s no room for him in Congress, not with that attitude. Mayabang na, bastos pa.”
Pagkatapos ay sinundan pa ni Karen ng isa pang post sa X ang pagkadismaya niya sa kandidato.
“Ang single mother inirerespeto. Dapat nga bigyan pa ng tropeyo.
“Parang awa, mga botante, pumili tayo ng karapat-dapat sa boto ninyo.
“Dinadaan tayo ng maraming kandidato sa kantong biruan, Tiktok na sayawan, tama na!”
“Puwede po ba, bumoto po tayo ng masipag, mapagkumbaba, nagtatrabaho, takot sa Diyos at hindi pagpapayaman ang inaatupag?
“Maawa tayo sa ating mga anak. Sa ating bayan,” madiing mensahe ni Karen.
Dahil sa post ni Karen, hiningan ng mga netizens ang news personality ng suggestion kung sino ang kanilang iboboto.
Sey ng isang netizen, “Sige, Karen. Magbigay ka ng halimbawa ng aming iboboto.”
As of this writing, naglabas na ng apology ang kandidato sa socmed. In fairness to Karen, ipinost din niya ang apology ng kandidato.
Samantala, kinol-out na rin ng Comelec ang naturang kandidato sa video nito patungkol sa hindi magandang biro sa mga solo parents na ayon sa komisyon ay paglabag sa Anti-Discrimination and Fair Campaign Guidelines ng ahensiya.
Hala ka!
Suportado ni Rainier…
MARK, TINULUYAN NA, KINASUHAN NI JOJO
TINULUYAN nang sampahan ng reklamo si Mark Herras ng singer at businessman na si Jojo Mendrez sa Quezon City Hall of Justice kahapon.
Siyempre, ‘di puwedeng i-reveal ang mga resulta ng pagpunta ni Jojo and his team sa QC Regional Trial Court kahapon or else, ‘di ba?
Pero ang nakaagaw-pansin sa video na kumalat sa socmed (social media) sa pagpunta ni Jojo and his team sa QC RTC ay ang presensiya ni Rainier Castillo.
Patunay lang na todo-suporta talaga si Rainier sa tinaguriang Revival King.
Sinikap din pala ni Rainier na pag-ayusin sina Mark at Jojo, pero mukhang malalim na ang gap na namamagitan sa dalawa.
Pero sinabi pa ni Rainier na si Jojo naman ang masusunod sa kung anuman ang kanyang maging desisyon.