top of page
Search
  • BULGAR

Madatung na raw, 'di pa rin maipaayos… BARBIE, DEDMA KAHIT NILALAIT SA SUNGKING NGIPIN AT MALAPAD NA

ILONG


Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 22, 2021




Maraming viewers ang tiyak na nanibago sa napanood nilang character ni Barbie Forteza sa I Can See You: The Lookout. Hindi na siya ang the usual Barbie na teeny bopper at pa-cute lang sa mga una niyang projects sa GMA-7. Kaya na niyang makipagsabayan sa mga veteran at magagaling na artista tulad ni Christopher de Leon.


Handang-handa na si Barbie sa more mature at seryosong pagganap, tulad ng kanyang mga roles sa ilang indie movies na kanyang ginawa.


Dapat na siyang alagaan ng GMA Network at bigyan ng mga challenging roles at magagandang projects. Hindi nakadepende sa love team si Barbie. Puwede siyang ipareha kahit kanino. Pero okey din naman kahit solo siya. Hindi rin siya naka-typecast sa iisang klase ng role lang. Mapa-drama o comedy, tanggap siya. Marunong makisama at professional sa trabaho si Barbie, kaya napupuri siya ng kanyang mga co-stars.


Ganunpaman, hindi rin nakakaligtas si Barbie sa mga bashers. Pinapansin at pinagdidiskitahan ng mga ito ang kanya raw sungki-sungking ngipin at malapad na ilong. Bakit daw hindi magawang ipaayos ito ni Barbie, eh, kumikita naman siya nang malaki?


Sa halip na mapikon at ma-insecure, dinededma na lang ni Barbie ang banat ng mga bashers. Besides, happy naman siya kung ano ang hitsura niya ngayon.


Tinanggap naman siya ng kanyang mga fans kung ano siya at wala sa plano niya ang magpagawa ng kung anu-ano sa kanyang mukha at katawan.


Ayaw niya ng total transformation. Ang gustong palawakin ngayon ni Barbie ay ang kaalaman niya sa pag-arte at marating ang status ng mga magagaling na aktres sa pelikula.


Excited siyang makaganap sa mga challenging roles tulad ng kanyang character sa The Lookout. Talagang nag-effort siya lalo na't marami silang eksena ni Christopher de Leon na favorite actor ng kanyang mommy.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page