ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 26, 2023
Tuwing huling linggo ng October ay ipinagdiriwang ang Nurses’ Week.
Base ito sa Proclamation No. 539, na pinirmahan noong Oct. 17, 1958 ni Pang. Carlos Garcia. Ngayong taon ay ipinagdiriwang ang 101st Foundation Anniversary ng Philippine Nurses Association at 66th Nurses’ Week Celebration.
Ang tema para sa komemorasyon ay “Gearing Up for Global Health Challenges with Renewed Vitality (Panibagong Sigla sa Panibagong Siglo)”.
☻☻☻
Kasama ng iba pang healthcare worker, nagsilbing mga bayani ang ating mga nars sa nakaraang pandemya.
Ngunit patuloy pa rin ang mga isyu na nagsisilbing balakid sa pagtamo ng mas magandang buhay.
Kasama na rito ang mababang sahod, at hindi magandang working conditions lalo na sa mga government hospital, kung saan mahaba ang working hours dahil kulang ang staff kumpara sa rami ng pasyente.
Dahil dito, marami sa ating mga nars ang pinipiling mag-apply sa mga trabaho sa ibang bansa dahil mas malaki ang maaaring kitain at mas maganda ang working conditions.
☻☻☻
Kasama tayo sa mga umaasa na sa lalong madaling panahon ay mapabuti ang
kapakanan ng ating mga nars.
Makakaasa rin ang mga kababayan natin na patuloy tayong tutulong sa Senado para sa mga polisiyang magtataguyod sa kapakanan ng mga nars.
Mabuhay ang Pilipinong nars!
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments