top of page
Search
BULGAR

Mabubutasan sa sustento sa mga anak… IPE, TAGILID MANALONG SENADOR ‘PAG NAG-INGAY SI KRIS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 8, 2024



Showbiz News

Nag-file na ng kanyang Certificate of Candidacy si Phillip Salvador at nasa line-up siya ng PDP (Partidong Demokratikong Pilipino). 


Si Sen. Robin Padilla ang kasalukuyang namumuno sa PDP, at kasama rin sa partido sina Sen. Bong Go at Sen. Ronald Dela Rosa. 


Marami sa mga supporters ni Phillip ang nag-aalala ngayon dahil baka muli na namang gumawa ng eksena si Kris Aquino at sirain ang aktor habang ito ay nangangampanya, tulad ng ginawa niya noon kay Herbert Bautista nang ito ay kumandidato bilang senador noong nakaraang eleksiyon. 


Posibleng ungkatin muli ni Kris ang hindi pagbibigay ng sustento ni Phillip Salvador sa anak nilang si Joshua na binata na ngayon. 


Ngunit mukhang nag-mellow na si Kris, lalo na ngayong may sakit siya. Hindi niya siniraan si James Yap noong kumandidato itong konsehal sa San Juan, kaya nanalo ang tatay ni Bimby. 


Sana ay ganito rin ang maging senaryo sa pagkandidato ni Phillip bilang senador sa darating na midterm elections. Bigyan na sana siya ng katahimikan ni Kris at mapatawad siya sa kanyang pagkukulang kay Joshua. Mas makakagaan sa loob ni Kris Aquino kung aalisin niya ang galit at bitterness sa kanyang puso.


 

May mga anak pero ‘di na nag-asawa…

MAGALING NA AKTRES-TV HOST, NA-RAPE NU'NG 18-ANYOS, INILIHIM SA MAGULANG PARA ‘DI MAGULO ANG PAMILYA


BLIND ITEM: 

ISANG magaling na aktres-TV host ang nakaranas ng sexual abuse noong kanyang kabataan. 


Napakalakas ng personalidad ng naturang veteran actress-TV host na aktibo pa rin hanggang ngayon sa showbiz.


Matalino siya at hindi basta nagpapaapi sa kahit kanino. 

Mahigit limang dekada na siya sa showbiz at isa siya sa mga inirerespeto sa movie-TV industry. 


Ngunit marami ang hindi nakakaalam ng kanyang mapait na karanasan noong kabataan niya. 


Siya pala ay inabuso sexually noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Lahat ng kanyang pangarap noon ay gumuho. Inilihim niya sa kanyang mga magulang ang masakit niyang karanasan dahil ayaw niyang masangkot sa gulo ang kanyang ama.


Ang pagbubunyag na ito ng kanyang mapait na karanasan ay ginawa ng veteran actress-TV host nang magbigay siya ng testimonya sa isang Christian gathering. 


Matibay at matatag ang loob ng veteran actress-TV host kaya nakaya niya ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.


Nagkaroon siya ng pamilya at mga anak at nagpatuloy ang pag-angat ng kanyang career. Ngayon ay namumuhay siya nang tahimik at mapayapa. 

Samantala, wala man siyang partner ngayon, nararamdaman niyang blessed at fulfilled siya dahil maayos ang buhay ng kanyang mga anak.


 

National Artist na, ‘di pa rin kuntento…

NORA, AYAW PATALO KAY VILMA KAYA TUMAKBONG CONG.


MARAMI ang nagulat at nagtaka sa muling pagsabak ng Superstar/National Artist na si Nora Aunor sa pulitika. 


Tatakbo si Guy bilang kongresista sa ilalim ng People’s Champ Partylist bilang second nominee. 


Maging ang mga Noranians ay nagtatanong kung bakit sa People’s Champ Partylist siya sumama. Papaano siya nakumbinse ng nasabing partylist na muling sumabak sa pulitika? 


Ilang taon na nagpahinga si Aunor sa pulitika, lalo na noong hindi siya pinalad na manalo. Nasabi pa niya noon na hindi na siya tatakbo sa anumang posisyon. 

Ngayon ay itinanghal na siyang National Artist, na siyang pinakamalaking karangalan na maaaring matamo ng isang alagad ng sining. 


Gayunpaman, may ilang mga netizens na nagsasabing posibleng maging permanente na si Aunor sa pulitika dahil ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay babalik din at tatakbong gobernador ng Batangas. 


Posibleng ito ang dahilan kaya tinanggap ni Aunor ang pagiging second nominee sa People’s Champ Partylist. Siguradong suportado siya ng libu-libong Noranians sa buong bansa.


 

Inayawan kasi ng pamilya ng tatay ng mga anak…

WILLIE, INAGAW LANG NI SUGAR SA BFF NIYANG DANCER, HIWALAY NA RIN NGAYON


NABUNYAG sa publiko na nagkaroon ng relasyon noon sina Sugar Mercado at Willie Revillame, isang bagay na matagal nilang itinago at hindi inamin kailanman.


Nangyari ito noong naging co-host si Sugar sa programa ni Willie, ang Wowowin

Isang reliable source ang nagpaabot ng balita sa veteran host/columnist na si Cristy Fermin na sobrang selosa raw si Sugar.


At may isang video pa ngang nag-viral kung saan makikitang inaaway niya ang isang babae at pinalalayas ito dahil sa selos. 


Ang alam namin, bago pa si Sugar, isang dancer ng Wowowin ang naging kasintahan ni Willie. Ngunit inagaw daw ito ni Sugar dahil si Willie ay galanteng magregalo at sobrang yaman pa. Dati raw BFF ni Sugar ang dancer na ito, pero nagkasira sila dahil sa agawan.


May mga anak na si Sugar mula sa dati niyang karelasyong mayamang Chinese, pero nagkahiwalay sila dahil ayaw ng pamilya ng guy kay Sugar. 


Nakiusap si Sugar na maging co-host sa show ni Willie upang maitaguyod ang kanyang mga anak. 


Sa kasalukuyan, may cosmetic business na si Sugar, pero walang balita kung sino ang bago niyang karelasyon ngayon. 


Sa isang showbiz event, napansin ng marami ang pagbabago ni Sugar Mercado. Pumayat siya, blooming, at mukhang masaya ang kanyang love life ngayon.

0 comments

تعليقات


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page