top of page
Search
BULGAR

Mabigat ang parusa sa NBA teams na lalabag sa COVID-19 protocols

ni Gerard Peter - @Sports | December 8, 2020




Bunga ng pagkakaroon ng COVID-19 outbreak sa NBA, papatawan ng malalaking parusa ang mga koponan sa liga sakaling lumabag ang mga ito sa itinalagang mga panuntunan upang mabawasan ang pagkalat ng mapaminsalang novel coronavirus disease.


Inihayag ng pamunuan ng liga at ng National Basketball Players Association (NBPA) na tatalakayin ang mga usaping ito sa mga manlalaro, coaches at ibang staff na hihilingan nilang mahigpit na ipag-utos ang pagtanggap ng coronavirus vaccine sa mga manlalaro sakaling dumating na ito, habang mariing hinimok ang mga koponan na obligahin ang mga manlalaro at staff nito na tumanggap ng flu-shots na agarang inaatasan ang lahat ng players, coaches at staff na iwasan ang bars, lounges, clubs, maging ang mga kainan, higit na ang mga live entertainment o gaming venues, public gyms, spas at pool areas. Hihigpitan din sa mga indoor activities na may 15 katao pataas.


Ang mga patakarang ito ay tumutukoy kapag ang koponan ay nasa home-and-away matches, at ang sino mang lumabag dito ay maaaring pagmultahin, suspendihin, ma-forfeit ang mga laro o magkaroon ng adjustments o mawalan ng draft picks. Sisimulan ang mga pre-season games sa Biyernes, habang opisyal na magbubukas ang regular season sa Dis. 22 sa U.S. time.


Ibinigay na ang mga guidelines at protocols na may dapat sundin hinggil sa pagkakaroon ng distansya sa mga upuan sa mga eroplano at buses na pinagkasunduan ng NBA at NBPA. “The biggest thing is obviously, from what we've been told, is the testing on the daily,” wika ni Philadelphia forward Tobias Harris hinggil sa protocols na pinapanalisa sa panayam ng Associated Press. “And guys holding each other accountable to be safe and limit exposure from outside people or whatever. For me, it's a bit confusing because you never know. You could go into a grocery store and you may get the virus somehow, right? So, I think it's a fine line, but I think we have to do our best to follow protocol, keep each other safe, keep the team safe and just see how it plays out.”


Noong nagdaang linggo ay 48 manlalaro ang nagpositibo sa coronavirus bago pa lamang simulan ang training camp. Bibigyan din ng pagkakataon ang mga kapamilya ng players, coaches at staff na magpakuha ng PCR testing sa testing provider nitong BioReference at magpakuha ng flu shots.“We're just trying to follow the guidelines, do it as best we can,” saad ni Golden State coach Steve Kerr. “It's not easy, but everybody's got to go through it. We're just trying to navigate our way through it.”

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page