ni Lolet Abania | May 16, 2021
Nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang executive order para sa pagtatakda ng panibagong tariff rates upang masiguro ang sapat na suplay ng imported na karneng baboy at bigas, at para mapanatiling mababa ang presyo nito nang tinatayang isang taon, ayon sa Malacañang.
Batay sa Executive Order No. 135, pansamantalang ibinaba ni Pangulong Duterte ang tariff rates sa bigas ng most favored nation (MFN) ng 35 percent, mula sa 40 percent para sa in-quota imports at 50 percent para sa out-quota imports.
“This was intended to diversify the country’s market sources, augment rice supply, maintain prices affordable and reduce pressures on inflation,” ayon sa statement ng Palasyo.
Dagdag pa rito, binawasan ang taripa kasunod ng pagtaas ng global rice prices at dahil na rin sa kawalan ng katiyakan sa patuloy na suplay ng bigas sa bansa. Ito rin ang naging tugon ng Malacañang matapos ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) board hinggil sa pagpapababa ng tariff rates sa mga imported na karne ng baboy at bigas.
Gayundin, ang Executive Order No. 134 ay patungkol sa tariff rates ng mga imported na produkto ng karne ng baboy. Ang bagong taripa ng pork imports sa ilalim ng minimum access volume (MAV) ay nasa 10 percent sa unang tatlong buwan at 15 percent sa susunod na siyam na buwan.
Ang taripa naman para sa pork imports outside MAV ay mababawasan ng 20 percent para sa unang tatlong buwan at 25 percent naman sa mga susunod na buwan.
Comments