ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 02, 2020
Paskong tuyo ang posibleng maging selebrasyon ng ating mga kababayan ngayong may pandemya. ‘Kaloka!
Malapit na ang Krismas, pero butas pa rin ang bulsa ng ating mga kababayan. Marami pa ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya, kaya hindi malayong tuyung-tuyo talaga, ‘wag naman sana!
Nakakalungkot naman, wala na ngang party-party, tila malabong makapaghanda pa ang maraming pamilya dahil walang pambili kahit singkong duling. At take note, humirit pa ng taas-presyo ang mga manufacturer ng mga pang-Noche Buena items? ‘Susmarya!
Hindi pa nga naaprub ang price hike, meron na agad nagsasamantala. Kesyo, mahal na raw ang karne, at ang dating nasa mahigit P200 hanggang P300 lang na isang kilo ng ham, umaabot na sa halos P500 ang benta? Ano ba ‘yan?
Ayon sa DTI, mahigit sa 20 brands ng limang manufacturers ang humihirit ng price hike tuwing Christmas season. Pero, don’t you worry, guys. I think naman may konsensiya at malasakit ang DTI sa ating mga consumers.
IMEEsolusyon d’yan, eh, ‘wag muna payagan ng DTI ang taas-presyo sa tradisyunal na mga panghanda sa Pasko. Agree?
Ikalawa, IMEEsolusyon din yung habulin ng DTI ang mga hoarder ng Noche Buena items, at busisiing mabuti ang imbentaryo sa mga retail store. Aba, eh, noong June pa lang nag-imbak na ng stocks ang ilang epal na negosyante at ilalabas lang nila kapag tumaas na ang presyuhan. Hello!
Kumpyansa tayong bibigyang-konsiderasyon ng DTI ang mga konsiyumer habang may pandemya. Pasayahin naman natin kahit paano ang ating mga kababayan ngayong Pasko. Ipang-aginaldo na natin sa kanila ang price freeze, Secretary Ramon Lopez, plis?
תגובות