top of page
Search
BULGAR

Maagang pamasko ng SSS sa mga pensiyunado nito, handa nang ipamigay!

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 1, 2020




Hello, Bulgarians! Tinatayang nasa P23.1 bilyong halaga ng 13th month bonus na ang naipamahagi gamit ang Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) at iba pang participating banks ng Social Security System (SSS) sa pakikipagtulungan sa Development Bank of the Philippines (DBP) na maaari nang matanggap ngayong Disyembre 1-4, 2020.


Bukod pa rito, naipamahagi na rin ng SSS ang mahigit P2 bilyon para sa NON-PESONet participating banks na madi-disbursed na sa mga pensioners sa Disyembre 4.


Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, masaya nitong ipinaaalam sa kanilang mga pensiyunado na maaari na nilang makuha ang kanilang 13th month bonus nang mas maaga kaysa noong isang taon. Naglaan umano ang SSS ng mahigit P25.2 bilyon para sa bonus kasama na ang December pensions.


Ang lahat ng mga pensiyunado ay makatatanggap na ng kanilang 13th month bonus ngayong Disyembre 1 habang ang kanilang pension naman ay matatanggap sa pagitan ng Disyembre 1-15. Ang mga makatatanggap naman ng pension simula Disyembre 16-31 ay makukuha ang kanilang bonus sa Disyembre 4.


Samantala, para naman sa mga nag-advanced 18-month pensions at naipong ACOP-suspended pension, matatanggap nila ang kanilang bonus sa Disyembre 4 at 16.


Nakipagtulungan na ang SSS sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) upang unahin ang mga delivery ng checks at ma-enjoy agad ng mga pensionado ang kanilang bonus.


Para sa iba pang katanungan, maaaring i-follow ang kanilang Facebook Page na Philippine Social Security System, Instagram sa @mysssph, Twitter sa PHLSSS o sumali sa kanilang Viber Community na MYSSSPH Updates.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page