top of page
Search
BULGAR

Maagang pagboto sa senior at PWD, inihirit

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 2, 2023




Nanghikayat si Senator Juan Edgardo "Sonny" Angara ngayong Huwebes, ika-2 ng Nobyembre, ng pagpasa ng panukalang batas na nagkakaloob ng pribilehiyo ng maagang pagboto para sa mga nakatatandang mamamayan at mga may kapansanan o PWDs.


Ipinanawagan ni Angara ang pagpapatibay ng patakaran na ito pagkatapos ng positibong resulta ng pilot implementation ng Commission on Election (Comelec) sa isang early voting scheme para sa mga senior citizen at PWD sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Oktubre 30.


Sa pagpasa ng Senate Bill No. 777, sinabi ng senador na mahalagang palakasin ang kakayahan ng mga matatandang botante at mga PWD na makarating sa mga presinto ng botohan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pribilehiyo sa maagang pagboto, at dapat handa na itong ipatupad sa susunod na mga halalan.


“It is encouraging to hear from our Comelec Chairman (George Garcia) about the positive reception of our senior citizens and PWDs to the early voting scheme in the two pilot cities,” sabi ni Angara sa isang pahayag.


“It clearly shows that in spite of difficulties they experience, they always make it a point to exercise their right to suffrage,” dagdag niya.


Pinuri ng poll chief ang "blockbuster" na pagdalo ng mga senior at PWDs sa pilot implementation ng maagang botohan sa Naga at Muntinlupa City, kung saan nagpakita sila alas-5 ng madaling-araw, upang ibigay ang kanilang mga boto para sa halalan sa barangay.


Kasabay nito, nag-udyok si Garcia na ipasa ang hakbang na nagpapahintulot sa mga vulnerable sector na bumoto nang maaga o bago pa ang itinakdang halalan para maipatupad na ang patakaran sa buong bansa sa halalan sa 2025.


Sa paghahain ng panukalang batas, binigyang-diin ni Angara ang kahalagahan ng pagbibigay-kakayahan sa mga senior citizen at mga may kapansanan na bumoto sa loob ng hindi kukulangin sa dalawang (2) araw sa loob ng 15 araw bago ang mismong petsa ng halalan.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page