top of page

Luzon Grid, inilagay sa yellow alert ng NGCP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | June 21, 2022



Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa ilalim ng yellow alert ngayong Martes, matapos ang tinatawag na forced outage ng maraming planta sa buong bansa.


Sa isang advisory, ipinahayag ng NGCP na ang Luzon Grid ay nasa yellow alert mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon ngayong Martes, kung saan anila, “the grid has thin reserves based on the difference between supply and demand.”


Ayon sa NGCP, ang operating requirement ay dapat mayroong 11,385 megawatts, na may available capacity ng 12,251 megawatts at isang net operating margin ng 412 megawatts.


Sinabi pa ng NGCP, “a total unplanned unavailable energy of 1,592 megawatts due to the forced outage of QPPL, SLPGC 1, SLPGC3, SLPGC 4, GMEC 1, GMEC 2, and Calaca.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page