top of page
Search
BULGAR

Lusot sa covid si Berchelt, pero nasukol sa WBC ni Valdez

ni Gerard Peter - @Sports | February 23, 2021




Natakasan man ni Miguel “The Scorpion” Berchelt ang mapanganib na Covid-19 na tumama sa kanya noong isang taon, hindi naman nito naiwasan ang hagupit ng mga suntok ng bagong World Boxing Council (WBC) junior-lightweight titlist na si Oscar Valdez ng tuluyan siyang padapain nito, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa bansa) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.


Isang panibagong pagtatapat para sa mga serye ng Mexican vs Mexican battle ang nagbigay ng oportunidad para koronahan bilang bagong super-featherweight titlist ang 30-anyos na two-time Olympian at manatiling undefeated matapos tuluyang tapusin ang laban sa bisa ng isang matinding left hook sa 2:59 ng 10th round kasunod ng dalawa pang naitalang knockdowns sa kanilang laban.


Ito na ang ika-2 titulo na nahawakan ng Nogales, Sonora, Mexico-native na si Valdez (29-0, 23KOs) matapos pagharian ng mahigit apat na taon ang WBO featherweight belt na tuluyan nitong binitawan at umakyat ng 130-pounds, kung saan agad na nagpasiklab ng parehong pabagsakin sina American Adam Lopez noong Nob. 30, 2019 at Puerto Rican Jayson Velez noong Hulyo 21, 2020.


There’s nothing better in life than proving people wrong. I have a list of people who doubted me. I’m so happy right now, I can almost do a backflip like [World lightweight champion] Teofimo Lopez,” wika ni Valdez sa panayam ni ESPN’s Bernardo Osuna matapos ang naging laban. “I want to take this belt home, and I’m happy for that. Any champion out there… I heard Shakur Stevenson wants to fight. Let’s do it. I just want to keep on fighting and give the fans what they want.”


Natapos ang apat na taong paghahari ng 29-anyos mula Cancun na si Berchelt (37-2-1, 33KOs) sa kanyang titulo, gayundin ang pagpapatigil sa 17-fight winning streak nito simula noong Mayo 31, 2014. Pansamantalang naudlot ang mas maagang pagtatapat ng dalawang Mehikano noong Disyembre 12, 2020 matapos magpositibo si Berchelt sa Covid-19 na sumailalim sa mahigpit na quarantine.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page