ni Jasmin Joy Evangelista | October 11, 2021
Mananatili ang general travel restrictions sa mga foreigners na papasok sa Pilipinas, ayon sa Bureau of Immigration.
Ito ay sa kabila ng desisyon ng pamahalaan na luwagan ang quarantine period para sa mga returning OFWs, balikbayans, foreign students, and workers.
Hindi pa rin daw pinapayagang makapasok sa Pilipinas ang mga foreign tourists, at ‘yung mga galing sa tinatawag na “red list” countries na nakasaad sa ilalim ng IATF Resolution No. 142, ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval.
Nakasaad sa naturang resolusyon na ang mga fully vaccinated mula sa “green” o “yellow” list countries, teritoryo, o jurisdictions ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa makuha nila ang kanilang negative RT-PCR test.
Nagbabala naman si Sandoval sa mga airlines na magpapapasok ng mga foreigners na walang kaukulang dokumento.
Sakaling mayroong lumabag ay pababalikin daw ang mga biyaherong ito sa kanilang pinanggalingan.
Ang mga biyahero naman na makikitaan ng kahina-hinalang COVID-19 negative result o pekeng vaccination card ay pananagutin ng Bureau of Quarantine.
Comments