ni Ambet Nabus @Let's See | August 1, 2024
Sa biglaan naming pagkikita ni Gerald Anderson kamakailan, naitanong namin dito kung totoong may mga grupong humihimok sa kanya na kumandidato sa susunod na eleksiyon.
Though wala naman daw direktang grupo na lumapit sa kanya, ang isinagot nito, “Naku, ‘di para sa ‘tin ang mga ganyan.”
Napabalita kasing may mga grupo umano from both the cities of Marikina at Quezon na hinihikayat siyang mag-pulitiko.
Matapos kasing gawing example ang aktor after nitong mag-viral nu’ng nakaraang bagyo dahil sa paglusong niya sa baha bilang isang legit na tumutulong at dumadamay sa kapwa kahit walang media, marami nga raw ang na-inspire na nasa public service na i-encourage itong pasukin ang pulitika.
Well, matagal na naming kilala na naturalesa ni Gerald ang maging matulungin at maaasahan may kalamidad man o wala.
And yes, agree rin kaming hindi niya kailangan ang pulitika para magawa ito.
Ang dapat sigurong pakatandaan ng mga botante ay ‘yung ibang artistang nasa pulitika nga, pero wala namang silbi pagdating sa tunay na kahulugan ng public service. Hahaha!
True.
Nanliligaw daw sa aktres, GF pa rin si Mika Reyes…
MAYOR MARK, BUKING NA GAMIT NA GAMIT SI KATHRYN PARA SA PULITIKA
May ilang kaibigan naman tayo from Lucena City at ibang kalapit na lugar sa Quezon Province na tinaasan lang ng kilay ang napabalitang diumano’y nanliligaw kay Kathryn Bernardo si Mark Alcala, ang poging mayor ng Lucena.
Bukod daw kasi sa laging present sa naturang lugar ang volleyball player na si Mika Reyes, na ayon sa aming mga kausap ay girlfriend pa rin ng mayor, meron pa ring napapabalitang isang babaeng negosyante mula sa angkan ng mayayaman sa Quezon na may koneksiyon din sa showbiz, ang umano’y idine-date nito?
“Naku, tigilan na ‘yang paggamit kay Kath, 'noh! Nag-iingay dahil may paparating na eleksiyon? Napaka-trapo naman n’yan na tila ang hilig-hilig sa showbiz,” sey ng mga netizens.
Naging girlfriend din ni Mark from showbiz si Ashley Ortega bago pa man ang volleyball player na si Mika.
Hmmm, mukhang obvious ngang mahilig sa mga kilalang personalidad ang naturang mayor na dati na rin palang nag-try mag-showbiz?
Pero teka lang, mas naintriga kami sa tsikang may kakaiba raw sa pagiging banidoso nito, to the point na ginagawa nitong kapatid diumano ang mga alcohol, lotion at iba pang disinfectant kapag humaharap sa maraming tao.
Kahit itanong pa raw natin kay Kim Chiu na minsan na ring naging bisita sa naturang lugar at nakahalubilo at beso-beso si Mayor.
Ay, true kaya ‘yan? Hahaha!
Comments