ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 5, 2025
Photo: Alden at Kathryn sa Hello Love Again - IG
Tila naging tahimik ang birthday celebration ni Alden Richards last January 2. He just turned 33 last Thursday.
Pero may nagtsika sa X (dating Twitter) na spotted niya si Alden sa isang resto sa Makati and guess who ang kanyang “special date” on his birthday.
Post sa X ng netizen, “Kung alam n’yo lang kung sino ang kasama ni Alden sa Tsukiji resto. Hay naku!”
Sa una ay hindi agad nahulaan ng ibang mga netizens kung sino ang kasama ni Alden.
Until another netizen ang nagtsika na fave resto ni Kathryn Bernardo ang nabanggit na Japanese resto sa Makati.
Siyempre pa, kinilig agad ang KathDen fans sa naturang post.
“‘Di naman siguro nagkataon lang na nandu’n si A sa mismong birthday n’ya sa paboritong resto ni K,” comment ng isang netizen sa naka-post sa X.
Later we found out sa isang vlog sa YouTube (YT) na nasa San Francisco, USA na si Alden as of this writing.
Magkasamang umalis ng bansa sina Kathryn at Alden para sa promo ng blockbuster movie nila na Hello, Love, Again (HLA).
Kaya posible rin talaga na kasama ni Alden si Kathryn nu’ng birthday niya. Maaaring nataon ang flight nila papuntang US nu’ng kaarawan ni Alden or sa Amerika na nag-celebrate ng birthday si Alden with Kathryn.
May nabanggit din daw kasi si Kathryn in one of her interviews na she will make time for Alden’s birthday.
Let’s see kung si Alden Richards ang sagot sa pag-upo ni Kathryn sa ilalim ng mesa habang kumakain ng 12 grapes para matupad ang wish niya last New Year’s day.
GOING international ang beauty ng It’s Showtime (IS) host na si Anne Curtis.
Pagpasok pa lang ng 2025 ay may pasabog na siya sa kanyang mga followers sa Instagram (IG).
Anne posted her photo as the cover ng Harper’s BAZAAR Singapore for January issue.
Naka-post din sa IG ng Harper Bazaar ang picture ni Anne sa cover ng kanilang magazine.
Sabi sa caption: “We are entering 2025 hot with our January cover star @annecurtissmith.
“The decorated Filipino-Australian actress lets her hair down, detailing what it was like growing up in the spotlight, how motherhood has changed her life and her upcoming project, It’s Okay To Not Be Okay.”
Blonde ang kulay ng short hair ni Anne sa cover, kaya lalong lumutang ang pagiging Australian niya.
Pahayag ni Anne sa kanyang BAZAAR cover, “It was weird at the beginning—I didn’t know how to start acting again because my life was all about nursery rhymes at that time. But once I got that ball rolling, it came back—just in time for the filming of It’s Okay To Not Be Okay.
“Thank you so much @harpersbazaarsg for having me as your January cover girl. What a great way to start the year. Another dream come true (heart emoji). Much love and light @kennieboy (editor-in-chief).”
Kabilang sa mga sumuporta at nag-post ng comment for Anne sa kanyang latest international pictorial ay sina Nadine Lustre at Heart Evangelista.
Sey ni Heart, “Go, Anne!!!!”
“LOVE,” comment naman ni Nadine Lustre.
Samantala, marami pa ring mga fans si Anne na umaasang muli siyang mapapanood sa IS nang mas madalas.
For sure, malapit na ‘yan.
Comments